CHAPTER 1

1179 Words
Tatlong taon ang kanyang hinintay upang makapiling muli ang babaeng minahal. Naghintay siya. Pero sa bandang huli ay nagmatigas pa rin si Meghan na muli siyang tanggapin. Nang malaman niyang lagi na lang nitong kasama ang basketbolisa na si Michael Ragusta, sobra siyang nabahala na baka ay tuluyang mawala sa kanya ang babae.   “Bakit ka pumayag na magpaligaw?” Tinanong ni Nick si Meghan habang pauwi na sila galing sa coliseum kung saan ay pinanood nila ang laban ng kupunan ni Michael. “Wala ka na dun,” sumagot si Meghan at saka inirapan ang lalaki. “Meghan naman, nagmukha akong tanga kanina sa ginawa mo, eh!” Tumaas ang boses ni Nick nang maalala ang nangyari. “Mag move-on ka na rin kasi tulad ko,” hinimok niya ang lalaki na gawin ang isang bagay na hindi rin naman niya magawa. “Simple lang ang buhay ng tao Nick, kaya’t huwag na nating gawing kumplikado ang lahat. Masaya na ako sa ganito, at sana ay ikaw din.” Pinayuhan niya si Nick at nagkunwari siyang chill lang ngunit ang totoo ay mahal niya pa rin ito. Natatakot lang siyang masaktang muli kasi andami na niyang isinakripisyo alang-alang kay Nicholas. “Kung talagang nakapagmove-on ka na, bakit hindi mo magawang umuwi sa bahay?” Gumanti ng tanong si Nick. Nilingon ni Meghan ang lalaki at umarko ang kanyang isang kilay nang maintindihan niya ang gusto nitong iparating sa kanya. “So, gusto mong ipamukha sa akin na bitter ako, ganun? Eh kung ganun nga, masisisi mo ba ako? Bakit ako uuwi sa bahay na magpapaalala lang sa akin kung gaano mo ako sinaktan noon, at kung gaano mo nilapastangan ang aking pagkatao! Kung ikaw ang nasa kalagayan ko Nick, magagawa mo ba ang mga bagay na gusto mong ipagawa sa akin?” Hindi na napigilan ni Meghan ang kanyang sarili na pagsabihan si Nick kasi kung umasta ito parang siya pa ang may kasalanan. Mali ba na ang kanyang sarili muna ang intindihin at hindi ang ibang tao? Mali ba ‘yon? Kailangan ba talagang paulit-ulit na masaktan bago matauhan? Hindi pa naman siya ganun kalala upang ma-adik sa malungkot na enerhiya. May katwiran naman si Meghan at tama lahat ng sinabi nito, ngunit paano naman siya? Kailangan niya si Meghan sa kanyang buhay kaya hindi siya papayag na makuha ito ni Michael. “Nag-sorry na nga ako sayo, di ba?” “Wow, ha. Nag sorry ka nga, pero tagos ba ‘yon sa dibdib? Sinabi mo lang na sorry, eh. Ganun na lang ba ‘yon?”  Minaliit ni Meghan ang mga effort ni Nick upang suyuin siya dahil sa totoo lang ay hindi siya kumbinsido. Masyado pa ring mataas ang tingin nito sa kanyang sarili at ayaw tumanggap ng pagkakamali. “Basta ako, ayoko ng masaktan muli. Tahimik na ang puso ko ngayon kaya pakiusap, huwag mo na lang akong guluhin pa.” Nakiusap siya sa lalaki ngunit hindi ito nakinig at bigla na lamang iniliko ang sasakyan patungo sa daang hindi naman pauwi sa kanyang apartment. “Where are you taking me?” She asked. “Sa lugar na hindi ka na pwedeng agawin sa akin ni Michael,” sumagot si Nick. He stepped on the gas and ignored the woman’s protest! “Nahihibang ka na ba? Illegal itong ginagawa mo!” Sinaway niya si Nick at pilit na inagaw ang manibela mula sa lalaki. Napatiimbagang si Nick habang nakatuon sa kalsada ang kanyang mga mata. “Tumigil ka na! Gusto mo bang madisgrasya tayo?” “Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Nick?” Napasandal si Meghan sa kanyang upuan nang biglang pumasok sa isang pribadong daanan si Nick. Habang pinagmasdan niya ang nakahilerang puno sa gilid ng private road, para siyang pupunta sa isang exclusive na resort. Sa landscaping pa lang ay sobra na siyang namangha! “Baka kasuhan tayo ng trespassing, hoy ano ba?” Muli niyang sinaway si Nick ngunit hindi ito nagpaawat. “Huwag kang mag-alala kasi hindi naman ako kakasuhan ni Alexander, eh.” Sumagot si Nick, at pagkalipas ng ilang minuto ay nasa tapat na sila ng mala-palasyong bahay nina Alexander. “Para doon sa una mong tanong kung ano ba talaga ang gusto ko, gusto kong sabihin sayo na ikaw ang gusto kong mangyari sa akin, Meghan. Hindi mo na ba ako mahal?” Bahagyang pumiyok ang boses ni Nick nang tanungin niya si Meghan tungkol sa tunay nitong naramdaman para sa kanya. “Bolahin mo na lang ang lolo mong panot,” sumagot si Meghan. “Matagal ng patay si Lolo,” Pabirong sinagot ni Nick ang dalaga. “Hindi mo na ba ako mahal?” Muli niyang tinanong si Meghan nang iparada niya ang sasakyan sa gilid ng fountain malapit sa bahay. Tumikhim si Meghan at nag-alis ng bara sa kanyang lalamunan at sinabing, “Hindi naman talaga nawala ang pag-ibig ko para sayo, kaya lang, hindi rin nawala ang poot na idinulot ninyo ni Margaret sa akin.” Pag-amin ni Meghan. Nagsikap siyang maging masaya at pilit na kinalimutan ang sakit na dinanas niya sa kamay ni Nick. Sa totoo lang, hindi alam ni Meghan kung kaya bang ayusin ni Nick ang kanyang nadurog na puso. “Ibinigay ko sayo ang lahat ngunit sinayang mo lang ‘yon, Nick.” Paalala niya sa lalaki. “I’m sorry, baby.” Sabi ni Nick. “Sorry-hin mo mukha mo! Basta ako, okey na ako kung ano ang meron ko ngayon Nick, kaya sana ay ikaw din. Maging masaya na lang tayo para sa isa’t-isa,” dagdag pa ni Meghan bago lumabas ng sasakyan nang buksan ni Nick ang pintuan. “Magiging masaya lang ako kapag kasama kita,” mahina ang boses ni Nick habang umamin ng totoong damdamin. “Ay sus, huwag na Nick. Hindi mo na ako kailangang bolahin pa, di ba sinabi ko naman sayo na mahal pa rin naman kita, kaya lang, kinawawa mo naman ang puso ko. Please lang tama na, lubayan mo na ako, palayain na natin ang ating mga sarili.” Patuloy na kinumbinse ni Meghan si Nicholas upang kalimutan na lamang siya. Samantalang si Nick ay namula na sa galit at umusok ang ilong. Palayain daw, paano? Tatlong taon siyang naghintay simula ng magpaalam si Meghan upang hanapin ang kanyang sarili pagkatapos ay sasabihin lang nito na palayain na lang nila ang isa’t-isa. Makatwiran ba ‘yon? Sandali siyang tumigil sa paglalakad at pinag-aralan si Meghan, at sa isang saglit ay nanliit ang kanyang mga mata sa galit. Walang babala na kinarga niya si Meghan papasok sa bahay nina Alexander. Pumalag si Meghan at panay ang hampas nito sa kanyang likod ngunit hindi siya nagpadala at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay. Nang makapasok na sila, saka lang niya ibinaba ang babae. “Hindi tayo aalis sa bahay na ‘to hangga’t hindi mo aaminin sa sarili mo na ako pa rin ang laman ng iyong puso!” Babala ni Nick at nagsukatan sila ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD