Maya-maya ay humaling si Mercado kay Villanueva. Mukhang hindi nakilala ng gago dahil bumati pa ito. "Ano pare, nag-e-enjoy ka ba?" Turan nito. "Oo pare, dami chicks." Sagot ni Villanueva na iniba ang boses. Maingay ang lugar kaya siguro hindi pansin ng kausap. "Eh itong kasama mo?" Tapik sa balikat niya. Nakayuko si Lance. Kabado dahil kapag nakilala siya nito ay tiyak na magkakagulo. "Bakit hindi ko bigyan ng babae?" Dagdag pa nito. "Mukhang supla—" "Sorry pare, pepe at bingi." Aksyon pa ni Villanueva. "Ganoon ba? Sayang ganda pa naman ng katawan," puna nito nang tawagin na ito ng kasamahan nito sa kabilang mesa. "Ano na Pat?" Tawag ng mas batang mark man nila. Pat ang palayaw nito bilang Patrick ang buo nitong pangalan. Agad na lumipat ng mesa ito at doon ay nagtinginan sila ni