Maaga pa sa alas nueve ay nasa Camp Crame na si Lance. Maya-maya ay dumating na rin si Villanueva at suot pa rin ang disguise nito. “Good morning sir,” bati nito sabay saludo sa kaniya. Umupo ito sa harapan niya at nilapag ang hawak nito. “Tinawagan ko na si hepe. Darating din ang provincial colonel. Kailangan makulong muna si Mercado bago tayo sumalakay. We have no choice since we have the concrete evidence to tie him with the s*x den and illegal drugs.” Mahabang wika sa tauhan. “Well, tama iyan sir. Baka kasi maitimbre pa nito sa mga hayop na iyon. Masunugan pa tayo,” sagot nito. Tumitig siya sa tauhan. Mukhang napansin nito ang pagtitig niya kaya nagyuko. “Do you that she has a child?” Maang na wika. Doon ay nagtaas ito ng mukha. “Who? Melai?” Maang na wika nito. Ngumiti siya. “Y