Mabuti na lamang at naging abala ang mama nito sa anak nila. Agad na tinapik si Lance sa ginawa nito. "Hmmmp!" Irap rito habang hawak ang bigay nitong bulaklak. Pagkatalikod ni Kath ay kinilig siya. "Anak, magbihis ka na muna at maghahanda ng hapunan." Utos ng ina habang abala pa rin sa anak. Mukhang nawiwili ang ina sa pag-aalaga sa anak nila. Mabuti na lamang at hindi nagseselos si Kath. Ganoon talaga ang mama niya. Masyadong protective at maalaga. Papanhik na siya nang maalala ang medical ni Kath bukas. Agad na bumalik at tinungo ang kusina kung saan nauna na si Kath dahil ang ina at anak ay nasa sala pa. Kilig na kilig si Kath at inaamoy-amoy pa ang bulaklak na bigay ni Lance nang biglang may magsalita. "Babe—" "Ay kabayo ka!" Halos mapaludag siya sa gulat. Napatigil si Lanc