Matapos nang masayang hapunan ay tinulungan muna ni Kath ang kapatid sa kusina habang si Lance naman ay kasama ng tatlong bata sa sala. Muli ay nagkaroon nang pagkakataon ang kapatid para usisahin ang estado ng relasyon nila ni Lance. “Mukhang mahal na mahal ka naman niya. Kahit papaano ay mapapanatag ako,” tinig nito na kinagulat niya. “Ate?!” gagad rito. Napatawa ito sa tinuran niya. “Alam kong mahal mo rin siya Kath dahil sa dami ng mga nanligaw sa’yo noon ay wala kang ni isang sinagot dahil umaasa ka na babalik siya,” wika pa nito. Tama naman ang kapatid niya. “Hiling ko lang na mapabuti na ang kalagayan ni DL at makasal na kayo ni Lance. Masaya na ako kapag nangyari iyon dahil alam kong magiging masaya ka at secure ang buhay niyo ng pamangkin ko,” anito at ramdam na naiiyak ang ka