Naging masaya ang bakasyon nilang iyon kina Aryanna. Naapag-usapan na rin ang nalalapit na kasal ng bunso nila. Mas lalo tuloy natukso ang panganay nila pero mukhang mahal na mahal naman ito ng babaeng kasama. Sana nga ay lumagay na rin ito sa tahimik. "Babe," tinig buhay sa kaniyang likuran. Agad na lumingon at nakita si Kath. Napangiti agad siya dahil iniisip kung kailan din kaya sila ikakasal nito. "Yes babe," agad na tugon rito. "Sasama pa ba tayo kina Tita?" Tanong nito tukoy sa kaniyang Mama. Kahit ilang beses kasing ipaalala ng ina rito na Mama na ang itawag ni Kath sa kaniya ay mukhang hesitant pa rin si Kath na tawagin ito hanggang hindi sila kinakasal. "Hindi na babe, sila na lang ang tutuloy sa resort. Hindi ba gusto mong dumalaw sa ate mo bago tayo lumipad?" tanong ni Lance