Kabanata 6
Punasan mo'ko
"Kidding!" sabay halakhak nya.
Mas lalo sumama ang tingin ko sa nang aasar nyang mukha atsaka inirapan. Lumingon sya sa biglang dumating. Sinundan ko sya ng tingin at halos manigas ako sa kinatatayuan sa nakita.
"Your boyfriend is here. Cheer for him"
Bumalik ang tingin ko kay Wayne na nakatingin na pala saakin. Nang aasar na naman ba sya ulit?
"He's not my boyfriend!" hindi ko alam bakit sinisigaw ko iyon at nairita ako sa narinig.
Wayne just shrugged and smirked. I rolled my eyes when he wave his hand and ran to his team mates.
"Hala ano yon? May something ba sainyo ni Wayne Monterial?" tanong agad ni Ellysa.
Sumulyap ako kay Wayne na ngayon ay kinakausap ang mga kasamahan para sa laro at kay Herold na nakasulyap saakin ng...malungkot.
"Nag bibiro lang sya at we're friends." fiancee na sya ng kaibigan ko. Gusto ko idagdag.
Tumigil na rin si Ellysa sa katatanong dahil na rin nag sisimula na ang laro. Mas tutok na sya kay James sa pag cheer. Sinulyapan ko si Wayne na parang pa-easy easy lang sa ginagawa. Tumatawa pa sya habang tagaktak na ang pawis sakanyang mukha.
Natapos ang first quarter. Tambak ang group nina James at Mark. Masasabi ko talagang napakagaling ng kabilang group, lalo na si Wayne. I didn't know that he's playing basketball! Ang akala ko puro lang sya babae.
"James!" sigaw ni Ellysa atsaka tumakbo palapit.
Nakita ko kung paano punasan ni Ellysa si James sa nuo habang nag papahinga. It's there water break.
"Miss." sitsit ng katabi ko.
"Hmm?"
May nginuso sya "Hindi mo ba lalapitan si Wayne?"
"Huh?" sabay lingon kung saan nakaupo si Wayne.
Mag isa ito sa gilid na nakaupo. Pawisan habang umiinom ng gatorade. And he's looking at me! Damn! Ano pa ba kailangan nito?
"Baka tinatawag ka para punasan sya" sabay hagikhik nila.
What? That's gross! I'll never do that. Siguradong pinag tri-tripan na naman ako nito kaya ganyan makatingin na akala napaka seryoso sa buhay pero sa loob loob tawang tawa na yan saakin.
Umirap ako atsaka nag lakad palapit sakanya. Nilabas ko ang phone ko at mabuti na lang ay may one bar signal.
"Tatawagan ko na ba si Bianca?" tanong ko kaagad pag kalapit sakanya.
Nag tipa ako ng message para kay Bianca.
Ako:
Bianca. Kailangan ka ni Wayne dito sa hide out court.
And sent. Tinago ko ang phone pag katapos atsaka sya hinarap.
"Bakit nadamay si Bianca?"
I just rolled my eyes then pointed his sweats on his perfect face.
"Para may mag punas ng pawis mo. Hindi iyong ako ang pinag tritripan mo."
Tumango tango sya "Ah.."
I nodded. Pinakita ko sakanya yong message ko kay Bianca. Medyo napahiya ako ng hindi nya tinignan ito kahit isa, saakin lang sa nakatingin..ng seryoso.
Inaasar na naman ba ako nito?
"Oh please Wayne, kung mang aasar ka na naman katulad ng ginawa mo kanina—" he cut me off
"Gusto ko ikaw."
I froze
"H-huh?"
"Gusto ko ikaw ang mag punas saakin." ungot nya.
Ano sinasabi nya? Ako ang mag pupunas sakanya? Ano sya sinuswerte!
"No—"
He cut me off again by handed me a white towel. "Punasan mo ako, Athena.."
"Wayne.." its a whisper lalo na ng mapatingin ako sa kabilang grupo na nakatingin saamin, hindi lang yon.. pati si Herold nakatingin.
Mabilis nyang hinawakan ang kamay ko at inupo sa tabi nya.
"Punasan mo na ako dali." parang batang ungot nya.
What the heck Monterial? Umirap na lamang ako at pinag bigyan na lang sya at ng tumahimik. Hinarap ko sya na nakaharap rin saakin. Dahan dahan ko nilapat ang towel sa nuo nya at sinimulan syang punasan.
Kumunot ang nuo ko ng pawisan sya ulit. Pinunasan ko ulit. Tapos meron na naman. Bakit ba sobrang namamawis naman sya ata ngayon? Sinama ko na rin yong buhok nya ma basang basa.
Pero kahit gaano sya kapawis, one more thing about him? Napaka-bango pa rin. Kahit pawis mabango. Kaya no doubt habulin ng babae. Siguro kinababaliwan ng mga babae itong mga pawis nya sa tuwing may ginagawa silang— what the heck Athena!
Tumigil ako ng pumito na ang referee hudyat na simula na ng 2nd quarter.
"Okay na!" sabi ko sabay lapag ng towel sa gilid at tingin sakanya
Napatigil ako ng mahuli syang nakatitig saakin nang mariin. Mukhang kanina pa nya ako pinapanood. Nang mapansin nyang nakatingin ako sakanya, sya ang unang nag iwas ng tingin atsaka walang pasubaling tumayo at pumasok sa court.
"Athena.."
It's Herold. Hindi sya kasali sa laro, ang rason? hindi ko alam at wala akong balak malaman.
"What?"
"Can we talk?"
"We're already talking."
Siguro halata naman sa boses ko na ayaw ko sya makausap.
"Athena please, napaka halaga mo sakin." nag mamakaawa nyang sabi
Tumawa ako nang mahina ng maalala bakit nga mahalaga ako sakanya "I know kasi gusto mo ako maging kaibigan diba? Kaibigan pag katapos mo ako gaguhin?"
"I'm sorry Athena.." yumuko sya.
Nag iwas ako ng tingin ng nakita syang nalulungkot. s**t!
"I'm sorry too Herold pero ayaw kita maging kaibigan." malamig na sabi ko atsaka tumalikod.
Tinawag pa nya ako ngunit hindi na ako lumingon pa. Napaka-kapal naman pala ng mukha nya na pag katapos ng nangyari, gusto nya ako maging kaibigan? Sa tingin nya after ng lahat tatanggapin ko pa sya? No way!
Lumabas ako para mag pahangin, mabuti naman at hindi ako sinundan ni Herold. Sinilip ko ang phone ko. Isang oras na lang, kailangan ko na pumasok.
Alam ko mahirap makalabas sa bukid na ito kung wala kang sarilinh sasakyan. Halos wala kasing dumadaan na vehicle dito. Sana na lang pala hindi na ako sumama pa rito. Nag pahatid na lang ako sa apartment. Magawa ko pa yong CAD ko na hindi ko pa nasisimulan ngunit pasahan na bukas!
"Athena, uuwi ka na ba? Ihatid na kita." it's Herold.
Hindi ko sya pinansin at nag lakad palayo sakanya. Narinig ko naman ang mga hakbang nya.
"Athena." ibang boses naman iyon na talagang kinalingon ko.
Mula sa likod ni Herold, nakasunod si Wayne. Nakabihis na rin sya, hindi na iyong jersey ang suot nya ngayon. He's now wearing a gray V-neck T-shirt and pants together with his silver necklace.
Tinaas nya ang phone "Nag text si Bianca na hindi sya makakarating kaya aalis na ako. Gusto mo ba sumabay?"
Alam kong good timing si Wayne at pwede na akong sumabay sakanya. Ngunit parang pinigilan ako sa sinabi nya. Dahil hindi darating si Bianca ay hindi na rin sya mag tatagal rito.
I looked away.
"Athena.." si Herold.
Huminga ako nang malalim atsaka tumingin direkta sa mata ni Wayne "Sige sasabay na ako sayo."