Kabanata 5
Cheerleader
Pagod na pagod akong binuksan ang gate ng apartment ko. Tumahol agad si Balbon ng makita ako at gumalaw ang buntot nito. Tuwang tuwa.
"How's my baby? Your mama is tired hayy!" kausap ko kay Balbon atsaka inabutan ng tinapay na binili ko.
Nang matapos mag pakain ay pumasok na ako sa loob. Nilapag ko ang bag sa sofa at naupo. Pakiramdam ko napagod ako ngayon na trabaho sa firm. Mas lalo atang dumagdag ang pinapagawa nila. O baka pinag iinitan lang ako ni Engr. Sanchez?
Binuksan ko ang data ko at sunod sunod nag beep ang messenger ko. Puro GC lang naman. Walang chat sa GC namin nina Camille at Bianca, siguro sobrang busy din nila. Hindi ko pa nasasabi yong sa form.
Nag pahinga ako saglit bago binuksan ang laptop at sinimulan ang CAD. Halos maiyak na ako ng hindi ko magawa nang maayos. Kainis! May gumagawa kasi saakin nito dati si He— nevermind.
Speaking of him, hindi ko sya nakita nitong mga araw sa campus. Eh mag kaparehas lang naman kami ng building. Sigurado ba talaga si Camille na dito nag enroll yun?
I smiled bitterly. Bakit ko pa ba sya iniisip? Ang cheater ay hindi na pinag tutuusan pa ng pansin.
Kinabukasan, nag commute lang ako dahil sinabihan ako ng dalawa na umaga ang sched nila ngayon sa firm. I'm wearing a pleated skirt and a printed T-shirt of our department. Pag pasok ko pa lang sa room namin ay nalaman ko na mag kaiba kami ng schedule nina Elisse at Meg. Wala kasi sila ngayon. Yong mga pang hapon lang ang kasama ko ngayon.
Wala pa yong professor namin kaya inabala ko na lang ang sarili sa pag i-sketch.
"Hi Athena." boses iyon ni Raven. Nag angat ako ng tingin, kumunot ang nuo ko ng mapansing namumula ang pisngi nya habang yong mga tropa nya ay tinutukso sya sa likod.
I gulped when I realized it. Nag iwas ako ng tingin. He is Elisse's crush.
"Busy ka ba?" tanong nya.
Tinuro ko ang sketch na ginagawa.
"Ah pwedeng tumabi?"
Napahinto ako at mag sasalita na sana ng tuluyan na nga sya naupo. Tuluyan na sya tinukso ng mga tropa nya. Mas lalo namula si Raven.
"What are you doing?" I asked, may halong irita.
"Gusto ko lang makipag kaibigan." sabay kamot sa ulo, hiyang hiya.
Hindi ako umimik. Alam ko na magagalit si Elisse kapag nalaman nya ito. Kahit sabihin nating crush lang ni Elisse ito, may respeto pa rin ako. Kapag crush na ng kaibigan mo, back off na dapat.
He looked of what I'm doing "Magaling ka sa sketching." he nodded " Are you done with your CAD? Due date na yon bukas diba?"
Nakalimutan ko na katabi si Raven sa pinaalala nya. Oh damn! Wala pa ako nasisimulan kahit isa. Tinulugan ko lang kagabi ang CAD dahil wala nga naman ako magawa gawa.
Siguro nahalata ni Raven sa mukha ko na hindi pa nga ako tapos kaya walang pasubali na nilabas ang laptop nya.
"W-wait. Anong gagawin mo?"tanong ko na kahit obvious naman.
"Huh?" tanong nya pabalik. Wait don't tell me mali ang iniisip ko..
"Ipapakita ko lang sayo yong CAD ko." ngiti nya.
Okay.
Umirap ako sa sarili, akala ko lang naman. Kailangan ko na tanggapin na wala ako mapapasa bukas.
"This is my CAD." sabay pakita nya saakin. He's smiling proudly.
"Edi good."
"CAD is easy Athena." he said habang pinapakita pa rin saakin ang gawa nya.
Ngumiti na lang ako ng pilit. Elisse you need to know that your crush is kind of.. mahangin!
Salita lang ng salita si Raven sa tabi ko tungkol kung paano nya tinapos ang CAD nya. Tango lang ako nang tango. Nag kwe-kwento pa sya tungkol sa mga high grades nya na nakuha. Really? Lalake pa talaga ito? Masyado mayabang!
At mukhang dininig ako ng sa itaas dahil may sumilip sa pinto.
"Excuse me? Si Athena Mendez?"
Wala pang ilang segundo ay tumayo na ako at lumapit doon sa babaeng nag hahanap saakin. Naningkit ang mata ko ng mapansing pamilyar ang babaeng ito.
"Bakit?" I asked.
Kung kanina ay mabait ang mukha nya nang hinahanap ako, ngayon ay naging mataray sya.
"Talagang kinakalaban mo si Stephanie?" bungad nya agad.
Doon ko lang sya naalala. Isa sya sa mga cheerleader. Laging kasama ni Stephanie the brat. Lihim ako umirap.
"Look, sabihin nyo sa—" naputol ang sinasabi ko nang may nahulog na mabahong tubig sa ulo ko.
"s**t!"
Umawang ang labi ko ng pasadahan ko ng tingin ang suot, nag kulay itim na ito dahil sa maduming tubig na binuhos saakin.
Marami ng mata ang nanunuod saamin lalo na saakin na ramdam kong lihim ako pinag tatawanan! Pumikit ako at kinalma ang sarili. Oh please, ayaw ko ma-expelled ulit. Pero gusto ko na sugurin itong mga isip bata na nasa harapan ko!
"Athena!" tawag ni Raven.
Wala akong kakampi ngayon. Wala sina Bianca at Camille. Wala rin sina Elisse at Meg. Sarili ko lang ngayon.
"Kamusta ang urine ng baka with putik?"
Kumulo agad ang dugo ko ng marinig ang boses ni Stephanie. Tuwang tuwa sya habang pumapalakpak. Ginaya rin naman sya ng mga kasama nya.
"Ano ba atraso nitong transferee kay Stephanie?"
"Baka nag mamaganda kaya ganon"
"Kawawa naman sya, mukhang sya ang pag lalaruan ni Steph."
Wala akong pakialam!
Ang gusto ko lang ngayon ay sugurin yong babaeng blonde na mukhang barbie pero utak plastik!
Pero no Athena. Mapapatalsik ka. Isipin mo na lang ang pag aaral mo. They're rich, sobrang layo sa katayuan mo ngayon. Kahit anong pag tanggol mo sa sarili mo, walang papanig sayo dahil nga mahirap ka lang.
Kinalma ko ang sarili at walang pasubaling tinalikuran sila na walang sabi. May ilang napasinghap sa ginawa ko ngunit mas malakas ang singhap ni Stephanie.
"How dare you!" sigaw nya sabay hatak sa buhok ko. Damn! Ang sakit!
"Stephanie!" sigaw ng pararating at mabilis na pinag hiwalay kami. Muntik na ako matawa ng makitang magulo ang buhok nya eh hindi ko naman sya sinabunutan.
"Ano na namang gulo 'to Stephanie? Gusto mo ba masumbong kay Kuya?" si James na hawak ang braso ni Stephanie.
Si Mark naman ang may hawak sakin. Tinanggal ko ang kamay ni Mark saakin. Bakit ba nakahawak pa, eh hindi ko naman papatulan iyang spoiled brat na yan.
"Athena, towel ." bigay ni Ellyssa, girlfriend ni James.
"Salamat" bulong ko. Ngumiti sya saakin at nilayo na sa kumpol na iyon. Naiwan naman si James na pinapagalitan si Stephanie.
"Hindi na talaga natuto yang pinsan ko na yan. I'm sorry Athena." buntong hininga ni Mark.
Pinsan pala nya si Stephanie tapos pamangkin naman ni James iyon. Inshort mag kamag anak sila.
"Bakit ba hindi nyo pag sabihan?" naiinis na tanong ni Ellyssa kay Mark.
Ngumuso si Mark kay Ellyssa na parang natatawa. Tinaasan naman sya ng kilay ni Ellyssa.
"Wag mo ako tawanan Mark!" iritadong sigaw ni Ellyssa. Humalakhak lalo si Mark.
Parang may something.
Pinilig ko na lang ang iniisip. Hindi naman pwede iyon siguro diba? Girlfriend ni James si Ellyssa.
"Grabe yang binuhos sayo nung brat na yon!" si Ellyssa habang nag hahanap sa likod.
"Okay na ako sa towel Ellyssa" kahit sinisipon na ako. Mabilis talaga ako mag kasakit kapag ganito.
"Hindi pwede. Mamaya trangkasuhin ka." binaba ni Ellyssa ang hawak na bag at hinarap si Mark na busy sa phone. "Balik ka nga sa campus, kuha ka ng damit ko sa locker. Ito yong key."
"Okay." agad na sagot ni Mark atsaka kuha sa susi.
Hinintay namin ng ilang minuto bumalik si Mark. Nag usap naman kami ni Ellyssa at sinabi sakanya yong about sa form.
"So gusto ka nya maging part ng squad nya hah?"
Tumango na lamang ako. Maya maya at dumating na sina Mark at James. Pag kalapit ay inabot agad sakin yong plastic bag na may lamang damit. Tumayo ako at pumunta sa malapit na cr. Nag shower ako saglit at nag bihis. Pag kaharap ko sa salamin ay nagulat ako sa suot ko.
Bakit uniporme ng cheerleader itong binigay saakin? Lumabas ako at lumapit sakanila.
"Sinuot mo na agad?" tanong ni James.
I raised my brow "Ito yong binigay nyo. Bakit—"
"Oh s**t I'm sorry Athena, ito palang isa ang ibibigay ko sayo." si Mark sabay abot saakin ng isang paper bag na may lamang pants at blouse.
Great!
Umiling iling na lang si Ellyssa atsaka ako niyaya sa loob ng sasakyan. Pumasok naman sa loob sina James at Mark. Masasabi kong kay Mark itong sasakyan dahil may nakaburda na name nya sa headrest ng driver seat.
Sinandal ko na lamang ang sarili sa upuan at pumikit. Kung ano man ang plinaplano ni Stephanie siguraduhin nyang hindi ko sya papatulan. Rinig ko pa naman na 2nd college pa lamang sya! mas matanda ako sakanya ng isang taon tapos ganon ang ugali nya. Childish.
Nilingon ako ni James. Tumango na lamang ako. Kahit tinulungan nila ako, hindi pa rin nawawala ang hinanakit ko sakanila. Hindi ako umiimik, hinayaan ko na lang kung saan nila ako gustong dalhin.
Kahit naman ipakita ko sakanila na okay ako, hindi pa rin nawawala na nasasaktan ako sa nangyayari saakin. Iniisip ko nga baka karma ko ito sa ginawa ko sa Xander University. Siguro kung sumipot na lang ako sa practice kahapon hindi mangyayari ang lahat lahat ng ito.
Ilang araw pa lang ako sa Stan pero parang naka ilang buwan na ako sa dami ng nangyari.
Napahinto ako sa pag iisip ng dumaan kami sa pamilyar na mabatong daanan. May mga palayan sa paligid, nasa isang bukid kami. Ngunit alam ko kung saan ito patungo. I've been there before!
Mukhang nahalata ng dalawa ang pag kagulat ko.
"Okay lang ba na manood muna kayo ng game namin?" si Mark ng pinaparada na ang sasakyan.
Maraming sasakyan na rin ang nakaparada. Sigurado akong nasa loob na ang ibang kalaro nila. This is there place, there hideout! Dinala na ako dito.
"It's okay. Wala naman sya dito." bulong ni Ellyssa saakin ng makababa na kami.
Umiwas ako ng tingin sakanila. As much as possible, nilalayuan ko lahat ng bagay na mag papaalala saakin sakanya. Kasi kahit galit ako sakanya, meron pa ring katiting sa puso ko na nanghihinayang.
Pumasok na kami sa loob, at katulad ng dati. Kung mukhang sira sa labas, ganon naman kaganda sa loob. Malaki syang parang warehouse na hindi mo aakalaing may malaking court sa loob. Dito sila nag lalaro kapag may pustahan. Hindi ko alam bakit dito pa, hindi na lang sa simpleng court.
Katulad nga ng inaasahan ko, maraming tao sa loob.
"Hey James!"
"Hey Mark! Asan si Herold?"
Tanong ng mga teammates nila. Nag kibit balikat lang yong dalawa. Lumingon si James kay Ellyssa at nilapitan.
He kissed her in cheek "Goodluck kiss babe?"
Namumulang hinampas ni Ellysa si James bago hinalikan nga sa labi. Nag iwas naman ako mg tingin, nagawi ang tingin ko kay Mark na saktong nag iwas din ng tingin sa nakita.
Nanahimik na lamang ako at nag patianod na sa pag hila saakin ni Ellyssa sa bench na malapit sa pinapahingahan ng mga players.
"Sino daw makakalaban nila?" tanong ko habang pinag mamasdan ang paligid.
"Hindi ko kilala eh taga ibang university ata."
Nakabihis na sina James at Mark ng jersey nila. Nang biglang may mga pumasok, humiyaw ang kalahating tao sa loob mg court. I'm sure sila yong makakalaban nila.
I check my phone if may signal na. Pero katulad ng dati, wala. Marami pa namang oras bago ako pumasok sa firm. Hindi na muna ako babalik sa klase.
"Oh my gosh! Sya! Sya! Sya yong sinasabi kong crush ko nung nag bar tayo!" kinikilig na sabi nung katabi naming babae.
Hindi ko naman kung sino ang tinutukoy nila dahil maraming nakaharang. Kung tatayo ako ay makikita ko kung sino sila.
"Damn! Sino kaya yong mga yon? Let me see nga." si Ellysa bago tumayo.
Suminghap sya. "I know him! Bakit sya nandito?"
Dahil talagang na-c-curious na ako ay ginaya ko si Ellysa. Sakto namang nag siupuan na yong nasa harap namin kaya kitang kita ako mula ulo hanggang paa.
At sa pag tama ng mga mata ko sa taong tinutukoy nila, unti unti nanlaki ang mga mata ko.
What the—
He's wearing a jersey shirt and shorts while dribble the ball. He stopped when some of his teammates said something to him. Nilagay nya sa tagiliran nya ang bola atsaka nilingon ang pwesto ko.
Halos malagutan ako ng hininga sa pag tingin nya. Especially when he tilted his perfect face and check out what I'm..wearing! Oh s**t, nakasuot pala ako ng pang-cheerleader! He arched his brow then looked back at my eyes..showing now his irritating and famous smirk!
Bakit sya nandito?
Halos mapaatras ako ng lumapit sya saakin. Nag kagulo ang mga katabi ko.
"My gosh! Lalapitan nya ata ako!"
"Gaga saakin sya nakatingin kanina pa!"
Lalo pa nag kagulo ng nakalapit sya..sobrang lapit saakin
"A cheerleader hah?" he grinned.
Sinamaan ko sya ng tingin. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako ngayong sobrang lapit nya. Stop it please.
"Be my cheerleader Athena." he seriously said " Cheer me.."
I gulped. Damn you Wayne Monterial!