Kabanata 4
Stan University
Tuluyan na kami sumuko pa na pakiusapan ang Xander University na tanggapin kami muli. Ganon ba ang nagagawa ng pag mamahal? Lahat ay kayang isakripisyo. Masasabi ko na ang pag expelled naming lahat sa Xander University ay malaking kawalan sa school na iyon.
Pero sabagay, mukhang hindi naman mag hihirap ang mga Montemayor dahil sa pag tanggal ng lahat ng estudyante. Barya lang sakanila ang mawawala.
"Mga galing sa Xander University yang mga 'yan?" sabi ng babae na napadaan sa harap ko.
Tumaas ang kilay nito atsaka tinignan ako mula ulo hanggang paa. Dahil galing lang ako sa Coffee shop, hindi ako agad nakapag palit ng damit kaya simpleng printed Tshirt lang ako ng Coffee shop at pants.
"Akala ko ba mayayaman ang mga nag aaral doon? Mukhang may mga sabit pala!" tawa nang maarte at lumayo na sila saakin.
Lihim na lamang ako napairap. Masasama ang budhi pala ang ilang nag aaral dito. Hindi ko na lamang pinansin, dahil ang pinunta ko dito ay mapag patuloy ang 3rd year ko dito. Malapit na ako makapag tapos.
Umihip ang sariwang hangin. Masasabi kong pumapantay sa ganda ng Xander University ang Stan University. 2nd choice ko ito dati. Nangunguna ang Xander.
Narinig ko na ang boses nina Camille at Bianca na palapit.
"Mabuti naman tinanggap tayo. Hooh! Mahirap pala mag ayos ng papel." pagod na umupo si Camille sa tabi ko.
Inabutan naman ako ni Bianca ng bottled water. "Okay na yong sayo Athena?"
Tumango ako at 'saka uminom ng tubig. Mas nauna ako sakanila matapos. Mag kaiba kasi kami, inayos ko ang scholarship ko habang sila ay mag e-enroll na lang ulit. So far, pumayag naman ang Director na dito namin ipag patuloy ang second sem namin. Pumayag din sila na kung saan kami nag o-ojt ay doon na kami. Mabuti na lamang at okay na.
Maraming estudyante na napapatingin saamin, siguro alam na nila na kami yong mga taga Xander na pinatalsik. Pero ang iniisip ko ay dahil sa suot ko.
"Saan ang diretso nyo after nito?" tinatamad na boses ni Camille. "s**t. Uuwi na lang ata ako sa condo."
"What? May OJT pa tayo Camille." si Bianca.
"f**k that ojt, Im tired." Camille murmured. "Ikaw Athena?"
"Firm." I answered. No choice kahit pagod.
Umirap sya atsaka umupo nang maayos. "Fine! Papasok na nga ako."
Ngumisi ako at natawa naman nang mahina si Bianca. Saglit ako napatitig kay Bianca. She's too pure, innocent . Ang kilos ay hindi makabasag pinggan. Inshort she's like an angel and no one can resist her angelic face.
No doubt that she's his fiancee. I looked away.
Ilang minuto pa ay nag yaya na si Camille para pumasok na sa firm. Sumakay na kami sa kotse nya. Nasa shotgun seat ako, driver si Camille at nag iisa sa likod ai Bianca.
"I saw Herold in a registar." si Camille habang nag mamaneho.
Agad na nag salubong ang kilay ko. Bakit dito pa sya mag aaral?
"Mukhang namayat sya." si Bianca naman.
Umirap ako at hindi umimik. Hindi ko pwede lokohin ang sarili, may katiting pa rin sa puso ko na gusto kitain si Herold. At sa naririnig ngayon na namayat sya. Bakit? Bakit pinapabayaan mo ngayon ang sarili Herold? Bakit?
Biglang may pumasok na tao sa isipan ko.
"Alam nyo ba kung saan nag aaral 'yong mga kaibigan ni...Danica?" halos mabulong ko na ang huling sinabi.
"Sina Danver at Joe?" tanong ni Camille. I nodded.
"Hmm. Hindi ko alam kung totoo ang balita na huminto sila."
I frowned. Nag-stop? Bakit naman sila hihinto? Dahil wala na si Danica?
"How about Violet?"
Camille just shrugged "Ganon din ata." nilingon nya ako "Bakit ba tinatanong mo sila?"
I sighed "Gusto ko lang makausap si Danica."
"Susugurin mo ulit?" natatawang sabi ni Camille.
I shook my head "I just want to apologize of what happened.."
Tumahimik sila. Nag patuloy ako.
"It's also my fault, sinugod ko sya without thinking na mapapahiya sya sa harap ng maraming tao."
I'm so guilty of what happened. Gustong gusto ko bawiin ang ginawa ko kay Danica. I regret na sinugod ko sya, dapat kinausap ko na lang sya na kaming dalawa lang. Ngunit hindi eh, nag padala ako sa emosyon ko, halo halong emosyon ang naramdaman ko nung nakita ko lahat lahat ng pag tataksil nila ni Herold sakin. Masakit lang na all this time, sa taong tinuturing kong kaibigan at yong taong minahal ko ay may lihim palang tinatago sa likod ko.
Its like they stabbed me from my back.
"Deactivated na f*******: ni Danica." sabi ni Bianca.
"Yeah. Kaya gusto ko sana makausap yong kaibigan nya, baka sakali may communication pa sila." I said.
Una ako hinatid nina Camille sa firm since medyo malayo pa yong sakanila.
"Are you free this Saturday?" tanong ni Camille ng akmang baba na ako.
Nag isip muna ako kung may mga gagawin ako. Yong mga pending na school works ko hindi ko na gagawin dahil iba na ang prof namin.
"Depende. Bakit?"
Camille looked first to Bianca then back to me. "Let's go to bar!"
"I told you, walang bar muna this week, maybe next week Camille. I gotta go, bye." I said
"Hindi naman tayo mag sasaya doon eh! Diba gusto mo mahanap sina Danver?" she smirked "Guess what? Tambay sila lagi sa bar na yon!"
"Anong bar yan?"
She rolled her eyes "Syempre yong dati mong napuntahan! Yong nag body shot kayo ni Herold!"
Napasinghap ako sa sinabi nya. Damn! Bumalik na naman sa ala-ala ko ang nangyaring iyon. Hindi ko alam pero parang naasiwa na ako na ginawa namin ni Herold iyon.
Napa-face palm naman si Bianca.
"Remember mo na?" tumataas taas ang kilay ni Camille.
"Oo na!" naiiritang sabi ko at bumaba na sa sasakyan.
Sobrang ingay non, kumikislap ang mga ilaw. Celebration iyon para sa SSG. I don't drink liquor, hindi ko alam bakit napainom nila ako nung time na yon. Sobra ang hilo ko non kaya sumasabay ako sa trip nila. Haggang sa nangyari na nga ang body shot.
Napatalon ako ng bumusina si Camille. "Wag mo na alalahanin yon! Move on Athena Mendez. Remember the salpak yesterday."
Sinamaan ko sya ng tingin. Tumawa lang ito nang malakas sabay paalam at umalis na. Nag patuloy na lang ako sa pag pasok sa firm. May mga bumati saakin na sinuklian ko rin ng pag bati. Umakyat na ako sa taas para mag time in bago bumaba muli.
Sinilip ko ang kalangitan, maulap ngayon ngunit hindi naman uulan. Sa gitna ay nakita ko na si Engr. Sanchez na nag mamando sa mga ibang workers. Lumapit ako.
"Good Afternoon Engr." bati ko.
Nilingon nya ako atsaka tinaasan ng kilay. "Good job hah, on time ka akala ko isa ka sa mga nag mukmok sa nangyari sainyo."
Huminga ako nang malalim. Pinipigilan sumagot. Halata kasing nag uuyam sya.
"O sya! Mag simula ka na." manuwestra nya saakin.
"Yes Engr." I said at nag lakad na sa field
"Naka-enroll ka agad hija?" tanong agad saakin ng isang worker dito.
"Opo. Bakit po yong anak nyo?" I asked since he said that her daughter is my schoolmate in Xander University.
Ngumiti nang malungkot si manong. "Sa awa ng Diyos at natanggap sya sa isang university, napag patuloy nya yong scholarship nya doon."
Hindi ko mapigilan na mainis kay Alexander Montemayor. Ganon na ba sya sobrang nagalit sa nangyari? At pati yong mga taong walang ginawa ay dinamay nya.
"Mabuti naman po." sagot ko na lamang.
Marami ang naapektuhan sa nangyaring desisyon ni Alexander Montemayor. Pero sino nga ba kami para mag reklamo? Isa lamang kaming mahirap na nangangarap.
I laughed. Kinuha ko na ang pala at nag simulang tumulong sa mga workers. Sino ba ako para mag reklamo? Eh isa pala ako sa nanakit sa mahal nya. Tsk.
Hindi naman mahirap mag adjust sa Stan University. May mga kaklase naman ako sa BSCE na hindi matapobre. Siguro masasabi ko iyon dahil halos mga lalake lang ang kaklase ko, tatlo lamang ata kaming babae rito.
"Athena, are you done with your CAD?" tanong ni Meg, engineering student.
I shook my head and sighed. Last week pa binigay ng prof namin ito. Ngunit ni isa hindi ko po nasisimulan. I'm not good in CAD!
"Plans and Design palang ang natapos ko pero yong CAD hindi pa." I answered, saka binigay sakanya ang Drafting Tube.
"Look at us? Tayong girls lang ang nag take ng CE." si Elisse sabay turo sa mga lalake na busy sa ginagawa. Tahimik sya tumili ng napatingin sa gawi namin si Raven, pinakamatalino saamin.
Umismid ako ng mapansing nakatingin sya saakin. Hindi naman nahalata iyon ni Elisse, at sana huwag na dahil crush na crush nya si Raven.
"Magaling ka sa sketching Athena! Gosh!" si Meg sabay abot saakin ng Drafting Tube. "Mabuti ka pa tapos na. Damn! Makakalbo na ata ako."
"Ano ba Meg!" inis ni Elisse dahil nabagsak ni Meg ang unipin .3 ni Elisse.
Napapikit ako ng makita ang nangyari sa unipin .3 na yon. Napakasakit makita.
"Bilhan mo ako ng 10 ganyan mamaya sa NB!"
"Parang wala kang bank acc hah?" umirap si Meg at pinulot ag unipin .3
Napailing iling na lang ako. Palibhasa may mga pambili ang mga ito. Ang mahal mahala kaya nyan. Ingat na ingat ko pa nga hinahawakan yong ganyan ko para hindi mahulog tapos sakanila hinahagis hagis lang.
"Excuse me!"
Nag taas kami ng tingin sa matinis na boses na iyon. Napataas ang kilay ko ng makitang si Stephanie iyon, cheerleader at 'yong blonde na nakabunggo ko sa coffee shop last week. Kasama nya yong mga kagrupo nya.
"I need your attention for my announcement, especially for those ladies at the back." she pointed us three and smiled fake.
Umirap sina Meg at Elisse. Talagang harap harapan dahil may ibubuga naman sila kay Stephanie. Hindi ako nakinig sa announcement na sinasabi sa harap. Sabi saakin ng Director last time na kailangan ko may masalihan na club as a requirement sa mga transferee.
"Are you listening Miss coffee maker?"
Kinalabit ako ni Meg, nginuso nya si Stephanie. Pag angat ko, saakin sila nakatingin. Nakataas ang kilay ni Stephanie. Ako ba yong tinawang nya 'Miss Coffee Maker' ? Malamang! malaki ang inis nyan sakin eh.
"What?" I asked.
Mas lalo tumaas ang kilay nya "Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"
"Ano naman kasi kung hindi Stephanie? Walang may gusto sumali sa squad mo!" sagot ni Elisse.
Lumipat ang tingin sakanya ni Stephanie "I'm not talking to you b***h!" sabay balik ng tingin sakin "I heard, kailangan mo may masalihan na Club and I head din na puno na slot ng ibang Club."
Kumunot ang nuo ko. Ano ibig sabihin nya na sa Club nya ako sasali? Maging cheerleader? Mag cheer sa mga basketball players? Hell no! Lalo na ang mga varsity player dito ay sina James at Mark.
"We will contact you later Stephanie kapag may gusto sumali." si Raven iyon.
"Oh darling, it's a pleasure na kinausap mo ako but.."sabay lingon sakin "..sya ang gusto ko makasali sa squad ko."
Napasinghap sina Meg at Elisse dahil nilapitan ako ni Stephanie at binigyan ng form habang may nakapaskil na pekeng ngiti sakanyang labi. Fake!
"You're lucky na ako pa mismo ang nag bigay ng form sayo. Sana hindi mo sayangin hah?" ngiti ng pilit atsaka tumalikod.
"My gosh! Kilala mo ba si Stephanie?" tanong agad ni Meg "I don't like that spoiled brat pero nakakagulat na sya pa ang lumapit sayo!"
"Huh? Anong swerte sa binigyan ka ng form ng isang err.." brat
"Alam mo bakit? Kasi after nito, sikat ka na." si Elisse.
Tinitigan ko lang sila. Nag katinginan sila atsaka bumuntong hininga.
"Her dad is the owner of this University. Her full name is Stephanie Lab Stan."
Okay. Doesn't ring a bell.
"Hindi ako sasali." lapag ko sa desk ng form. Kahit yong form ay kulay pink.
"But you have no choice Athena. Sasali ka or papaalisin ka sa Univeristy na 'to. Lalo na anak pa ng may ari ang nakabangga mo." si Meg.
Bakit ba lagi na lang ako pinapalayas? Wala akong choice! Tumingin ako sa form. May nakasulat doon na VIP.
"Ano ibig sabihin nito?" tanong ko sakanila ng VIP sign sa form.
Unang tingin pa lang nila ay sabay na nanlaki ang mata. Sabay lingon saakin at balik sa form.
"Holy s**t!"
"Is it true?!"
Kinuha ko na sakanila ang form dahil hindi naman nila sinasagot ang tanong ko.
"You're lucky!!" sabay nilang sigaw na kinalingon ng ibang lalake saamin.
Inaalog alog ako nilang dalawa. Naiirita akong humiwalay sakanila. Ano bang meron sa form na yon?
"This form?" hawak ni Elisse sa form "Is not an ordinary form. s**t it's a VIP form! You're dead and the same time lucky!"
Tumango tango si Meg "Lucky, dahil hindi ka na sasalang pa sa audition. Diretso pasok ka na agad sa squad nila. Dead, dahil hindi ka na makakaalis pa sa grupo ni Stephanie."
What the heck?! Ano ba talaga ang binabalak ni Stephanie? Dahil ba away namin sa Coffee shop last week? Ano sya bata? At hindi pa makalimutan yon!
"Ayaw ko ng gulo. Nandito ako para mag aral.." umiiling iling na sabi ko sakanila.
Bumuntong hininga sila. "We're sorry, wala kami magawa Athena."
Nanahimik ako. Pano kaya kung hindi ako sumipot bukas? Ang sabi sa form ay bukas ang simula. Ganon ba sya sobrang lakas para mapapayag ako? O well spoiled brat, kung ma-altitude ka, mas ma-altitude ako sayo!