Kabanata 3

2100 Words
Kabanata 3 Not choosy Bakit may mga taong sinusuportahan pa ang pag tataksil? Sobrang laking ekis sa mga kaibigan na todo support sa tropa nilang may girlfriend na pero nagagawa pang mag-cheat. I just want ask, why? Alam nyong mali ngunit ginagawa nyong tama sa mata nyo? Hindi ko alam ang mararamdaman na nasa harap ko 'yong dalawang kaibigan ni Herold. These jerks! Ang laki ngumisi. Sana dinggin ako na may makarma sakanila. "Kilala mo pala sina James at Mark?" hampas sakin ni Cheska ng matapos ko ilapag ang tray. "Oo." sagot ko, hindi sya tinitignan. Pumasok ako sa kitchen atsaka inayos ang ilang gamit na nagulo kanina dahil sa biglaang dami ng orders. Pag katapos ay bumalik ako sa counter. Katulad ng kanina ay ganon pa rin ang posisyon ni Cheska, nakapameywang na tinitigan ako nang maigi. Hindi ko sya pinansin. "They're looking at you!" sabi nya pag katapos lumingon at bumalik saakin. Tinignan ko rin ang sinasabi nya. At tama sya, nakasulyap sina James at Mark saakin habang may pinag uusapan. It's like they're talking about me. "Teka lang.." naniningkit na mata nya sa dalawa hanggang sa nanlaki ang mata "Naalala ko na! Sila yong tropa ng boyfriend—este ex boyfriend mo diba?!" Tumango ako atsaka sinamahan na rin syang nakasandal sa counter habang nakatingin sa mga estudyante ng Stan University. "Bitter ka pa rin ba Athena? Matagal na yon ah! At base naman sa tingin ko kanina, mabait sila." Muntik na ako matawa kaya umirap na lang ako. "Sobrang hina mo mangilatis ng tao Cheska." She frowned "Huh? Mabait naman sila ah? Playboy sila pero mabait sila alam ko." "Whatever." sabi ko sabay tinignan sya na nakakunot noo "Don't judge a person by it looks. Mapanlinlang ang pambalat ng tao Cheska." Umalis ako sa pag kakasandal ng may lumapit sa counter. Grupo sila, cheerdancer ng Stan University. "Blue Cheesecake and tea, Miss." ani nung blonde na babae. Nag tipa ako sa screen ng order. "Saakin milktea lang." singit ng isang babae, dinagdag ko naman sa order nila. "350 pesos po ma'am." Inabot ng blonde yong bill nya. Nang makita kong malutong na isang libo ito ay sinilip ko muna ang kaha. "Ah ma'am wala po ba kayong smaller bill?" tanong ko. Nilingon ko naman si Cheska na umiling. "What? Wala kayong pambarya sa 1 thousand ko?" mataray na nag yayabang na sabi nung blonde. Mag tatanong ba ako kung meron? I sighed and tried myself to smile "Wala po Ma'am eh, nabuo na kanina—" "Then it's not my problem anymore! I'm a costumer, so dapat kayo ang mag adjust hindi ako diba?" medyo lumalakas na ang boses nya. I bit my lip. Pinipigilan ko talaga na hindi sumagot sakanya. Mukhaan pa lang nya, alam kong matapobre! Mula sa buhok nyang blonde, sa lipstick nyang pink, pink bag, pink nail polish. Barbie na maarte! "Ano? Wala kayong barya sa isang libo? How cheep hah!" sabat nung kasama nya na katulad nya. Wala si Cheska sa tabi ko dahil nasa loob ito nag aayos. Nakakatawag na sila ng atensyon sa lakas at arte ng boses. Kita ko pang humina ang boses sa lamesa nina James at Mark. I'm sure, nakatingin na sila dito. Tinitigan ako ng dalawang cheerdancer dito ng maarte. Pwe! Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Pinilit ko talaga na ngumiti sakanila. "Kung gusto nyo po ma'am. Kayo ang lumipat ng ibang shop. Salamat!" Umawang ang labi nilang dalawa sa sinagot ko. Lumukot ang mukha nung blonde. "How dare you!" lapit nya saakin at akmang hahatakin ako nang mabilis na lumapit sina James at Mark at pinigilan ito. Nagulat yong dalawang cheerdancer sa pag dating ng dalawa. Si Cheska naman ay nagulat ng makalabas sa kitchen na may dalang tray. She looked at me and gave me a ano-ang-nangyari- look. "Stop it Stephanie." sabi ni James sa babaeng blonde. "What the hell? Bakit nyo pinag tatanggol yang.." sabay tingin saakin "..dukha?!" May anong umakyat sa ulo ko na nag pantig sa tenga ko. Sinenyasan ako ni Mark na wag na gumalaw pa. Nilayo nila si Stephanie at yong kasama nya saakin at kinausap. Ngayon ko lang napansin na halos lahat ay nanunuod saamin. Imbes na pag tuunan pa ng pansin ay tumalikod na lang ako at pumasok sa locker room. "Athena.." si Cheska. "Gusto ko lang mapag isa Cheska please." bulong ko na tiyak kong maririnig nya. Bumuntong hininga sya at iniwan ako. I sighed. This is a tiring day. Sobrang daming nangyari. Nawalan ako ng school, scholarship, isabay mo pa ang muntik na away kanina pati ang pag kikita ko sa mga kaibigan ni Herold. Ngunit sa daming dumaan sa buhay ko, ngayon ko pa ba pp-problemahin ito? Kung nagawan ko ng paraan yong iba dati, sigurado akong magagawan ko rin ng paraan yong ngayon. There's no use to sit in the corner and feel the chaos of everything. I'm now far, hindi pwedeng bumalik ako ulit sa una. Lumalayo na ako, kailangan ko lang ipag patuloy. Sa pagbalik ni Cheska, sinabi nya saakin na umalis na yong mga estudyante ng Stan University. "Tsk! Kung nandoon lang ako? Kanina ko pa nahatak yong kulay mais na buhok nung Stephanie na yon!" maktol ni Cheska. Natawa ako sa sinabi nya "Hayaan mo, sa susunod kapag bumalik. Sayo ko ipapa-sabong." "Ano kami manok?!" bulalas nya. Humagalpak na ako ng tawa. Natawa na rin sya habang umiiling iling. Mabilis natapos ang gabi, sa pag sikat ng araw doon ko inaalala na wala na pala akong school na papasukan. Kahit anong balik para makiusap sa Xander University ay hindi talaga kami pinag bibigyan. Nasa harap kami ng matayog na gate ng Xander University. "Ano pa ba hinihintay natin? Sabi ko sainyo mag transfer na tayo! Ayos na lahat ng papers natin oh." nag rereklamong sabi ni Camille sa tabi ko. Kahit si Bianca ay malungkot na nakatingala sa gate ng Xander University "I'm gonna miss this University." Bumuntong hininga si Camille "Me too.." Mula kasi highschool dito na sila nag aral, kaya sobra sobra ang attach nila sa Xander University. Tiningala ko ang malaking pangalan na Xander University. This is my dream school. Kaya nag sikap akong makakuha ng scholarship. "Alam mo bang sina Ma'am Cruz at Omar pala ang may kagagawan ng lahat?" rinig kong sabi ng isang estudyante. "Oh? Akala ko si Athena since pinahiya nya rin si Danica sa maraming tao diba?" halos bulong na iyon. Nanlamig ako sa narinig atsaka yumuko. "Gaga ka! Basta yon na yon, alam ko tinanggalan ng lisensya si Ms. Cruz at scholarship naman si Omar." "Let's go na Athena!" tawag saakin ni Camille, malayo na pala silang dalawa ni Bianca saakin. Ganon ba ako sobrang pre-occupied sa pinapakinggan. Hay. Muling sumulyap muna ako sa gate ng Xander University bago binaba ang tingin, nahinto kay Herold na nakaupo sa gilid at tulala. Napalunok ako, nilingon ko muna sina Camille na nahinto sa pag tawag dahil may kausap. Lumapit ako kay Herold. Nag taas naman sya ng tingin, bahagya syang nagulat ng makita ako ngunit agad din lumanlam. "Athena.." garalgal ang boses nya. Pinakiramdaman ko ang sarili, sa boses nyang dating sobrang minamahal ko. Tumayo sya sa harap ko. Ngunit ng ang maramdaman ko na lang ay galit ay hindi ko na inaalala pa yong mga estudyante na nakapaligid saamin, malakas ko syang binigyan ng mag asawang sampal! "Palatandaan na hindi ka na makakalapit pa saakin!" sigaw ko sakanya na natulala sa sampal ko, at agad ako tumalikod at tumakbo kina Camille na gulat sa nakita. "Let's go." tikhim ko sakanila. Malakas pumalakpak si Camille "Omg! Very Good!" Napailing iling naman si Bianca sa sinabi ni Camille. Umirap ako atsaka hinila na sila palapit sa pinag- parkingan ng kotse ni Camille kanina. "I can't believe it! Athena sinampal si Herold sa harapan ng maraming tao?" tuwang tuwa si Camille. Nang makalapit na kami sa pwesto na pinag parkingan ni Camille, hinarangan nila ako ng bubuksan ko na sana yong pintuan ng backseat. "Hep! Dahil natuwa ako sa nakita ko. Doon ka sa shotgun seat!" sabay halakhak at pasok sa loob. Mag kibit balikat naman si Bianca ma nasa kabilang side. Umirap na lamang ako sakanila at nag martsang pumasok sa shotgun seat. Pag kaupo ko pa lang sa loob ay napahinto na ako. May humalakhak! I know that voice! Mabilis ko nilingon yong katabi ko. Kaya pala iba ang pakiramdam ko pag kaupo ko palang dahil may mali! Maling mali! Umangat ang labi ni Wayne sa reaction ko. "Chill Athena, hindi kita aasarin." "Bakit natin sya kasama?!" sigaw ko sa mga kaibigan ko na chill sa likod. "Bakit hindi?" si Camille na ngumingisi ngisi sa phone nya. "Camille!" mahinhin na tawag ni Bianca sa katabi, parehas nilang hawak ang phone nila. Hindi man pinapansin ang reklamo ko. Sinamaan ko mg tingin si Wayne na parang tuwang tuwa na makita ang busangot kong mukha sakanya. "Tsk!" I said, tsaka ko napagmasdan na hindi sasakyan ni Camille ang gamit namin. "Welcome to my baby kia!" sagot ng asungot sa tabi ko. "Pake ko?" He laughed "Sungit! Mabuti nga naranasan mo maupo kay baby kia ko." Nag salubong ang kilay ko sa pinag sasabi nya. Hindi na ako umimik pa at lihim na humanga sa interior ng.. baby kia nya. If I'm not mistaken, this is the latest Kia Seltos! Grabe, hindi ito ang dati nyang sasakyan ah? Ganon na ba sya mag waldas ng pera? kapag may latest, binibili agad. "Athena." Si Bianca tinatawag ako. "What?" wala sa mood na tanong ko. She handed me her phone, kinuha ko ito at nag taka ako dahil naka-open doon ang Gc namin. "Ano meron?" tanong ko habang ini-scroll. Natatawang hinablot ni Camille ang phone ni Bianca sa kamay ko. "Diba sabi ko hayaan mong sya ang makakita Bianca!" "Makikita rin naman yon eh." "Ano ba kasi yan?" sabay hablot ko sa phone ni Bianca ngunit mabilis na nilayo ni Camille. Sinamaan ko ng tingin si Camille. Tumawa sya. "Mag bukas ka kasi ng messenger mo!" "Ano yan girls?" singit ni Wayne na liningon kami saglit bago binalik ang focus sa pag mamaneho. Ngumisi si Camille atsaka pinakita kay Wayne ang dapat ipapakita saakin ni Bianca kanina. Mabilis na sinilip ni Wayne iyon, sumulyap pa sya saakin bago binalik ang tingin sa screen. Slowly, he smirked. Natatawang bumalik sa inuupuan si Camille ng matapos. Hindi naman mawala sa labi ni Wayne ang ngisi nya. He shook his head. "Oh I bet that's hurt like hell." he dramatically touch his cheeks "Sa lakas pa naman ng lagapak diba!" tawa ni Camille. Don't tell me that's the... Uminit ang pisngi ko. Uminit dahil sa kahihiyan! Hindi ko alam bakit at nag madali kong binuksan ang messenger ko, hinanap ang GC namin at pag bukas ko. Tama nga ako! That's a video of me and Herold! Yong sinampal ko sya kanina! "Camille! Sino nag sabi na i-video mo yon kanina?" masama ang tingin ko. "Bakit bawal? Eh gusto ko nga. Remembrance na nasampal mo sya after mo iyakan nung kagabi." Nanahimik ako atsaka tumingin na lamang sa bintana. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon, masyado pa maaga para bumalik ako sa firm. Hindi ko nga alam kung tatanggapin pa ako don since expelled na kami. "I'm hungry." buntong hininga ni Bianca, binasag ang nakakabinging katahimikan. "Where do you want to eat?" agad na tanong ni Wayne, sinulyapan pa si Bianca. "Max's please!" Wayne's chuckled "Masusunod ma'am!" Umismid ako. Bakit kaya hindi na lang mag palit kami ni Bianca ng pwesto para hindi naman sila mahirapan mag lingunan sa likod. "Bakit ako Wayne hindi mo tatanungin kung saan ko gusto kumain? Puro na lang si Bianca tinatanong mo ah! Porket fiancee mo sya." umirap si Camille "I'm inggit!" Hinampas ni Bianca si Camille. Ngumisi naman si Wayne at inihinto ang Kia Seltos nya sa harap ng Max's. Lumabas na agad sina Camille at Bianca pag kahinto. Inalis ko ang seatbelt. "Ikaw? Gusto mo ba sa Max's kumain" biglang tanong ng katabi ko. I stopped then glance him, I gulped when I saw him also looking at me. Wala na ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi. Parang seryoso sya sa tanong nya. Pinilig ko ang ulo ko. Never mag seseryoso ang Wayne Monterial, lahat ng bagay na ginagawa nya sakin ay puro pang aasar. "Hindi naman ako choosy." sagot ko na lang atsaka lumabas. Sumunod na lumabas si Wayne, ngunit hindi katulad kanina seryoso ngayon ay nakapaskil na ang ngisi nyang nang-aasar. Kumunot ang nuo ko atsaka nag iwas ng tingin, pumasok na ako sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD