Kabanata 2

1884 Words
Kabanata 2 Expelled Alas kwatro ay nag time out na ako. Mag papaalam muna ako kay Engr. Sanchez, kaso naisip ko na baka busy pa sila ni Wayne. Bakit ba hindi kaya patigilan ni Bianca na itigil ang soon to be kasal nila ni Wayne. Yes, gwapo sya. Mukha syang model ng bench. Pero nakaka-turn off ang pagiging Playboy nya. Hindi ko maimagine ang sarili kapag nakasal ako sa isang playboy, baka gabi gabi wala sya, gabi gabi din iba't iba ang babae. Dahil nag titipid ako ngayon, linakad ko na lang 'yong Coffee shop na pinapasukan ko. Malapit na kasi ang bayaran ng apartment. Tapos, ayaw ko naman galawin iyong ipon ko sa bank na para sa board exam ko. Kung sana mayaman lang ako. Baka hindi ko pino-problema 'yong mga gastusin pang araw araw. Kaya swerte sina Camille at Bianca. Mayaman pamilya nila, lahat ng gusto nila nakukuha. Wala na sila dapat problemahin. Pag pasok ko sa Coffee shop, nakita ko na si Cheska isa sa mga waiter din dito. Katulad ko ay working student sya, kasi sa Stan University naman sya nag aaral. Kumaway ako saglit atsaka nag mamadaling nagtungo sa locker para kuhain ang uniform. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas at pumasok sa counter. "Kamusta ang OJT? Mabuti naka-time out ka ng maaga ah." si Cheska nang matapos mag linis ng lamesa. Linagyan ko ng net ang buhok muna "Masaya mag halo ng semento. You know naman, ang mahalagang material na kailangan ng mga Civil Engineer ay...semento." Tumawa ako nang mahina, sya naman ay ngumisi habang umiiling iling. "Bakit kasi mas gusto mong mag trabaho sa field? Mas ok na nakakulong ka kaya sa office! Aircon pa." ani Cheska. I shrugged "I don't know either. Mas gusto ko siguro makita at maranasan actual." Tumunog ang pinto, may costumer. Umayos muna kaming dalawa ni Cheska. Nag tungo muna ito sa kusina. I smiled "Good afternoon Ma'am. Welcome to the Coffee Cake!" "Black berry cake and macchiato. Dine in" sabi ng babae. Mabilis ko ito tinype atsaka sinabi ang price. Nang matapos ay inabot ko ito kay Cheska sa loob. "Susunduin ka ba ng boyfriend mo mamaya?" I asked, matapos maibigay ang resibo. She nodded. Kumilos na sya agad nang makita ang resibo. "Alam kong makikisabay ka kaya yes." I chuckled. May kotse kasi iyong boyfriend nya, para tipid ay sumasabay ako pauwi. Nang matapos si Cheska ay kinuha ko ang order atsaka dinala doon sa babae. "Here's your order Ma'am. Enjoy!" Ganito lang ang ginagawa namin ni Cheska. Nag uumpisa kami mag duty 4pm at natatapos ng 10 pm. Madalang lang naman kami mapagod sa trabaho. Minsan minsan lang naman kasi may bumibili, naisip nga namin na baka mag sasarado na itong Coffee shop sa dalang ng mga costumer. "Hindi pa ba tayo kinakausap ni Mr. Uy?" inaantok na tanong ko kay Cheska habang nakasandal sa upuan. Ang lamig talaga sa loob ng kotse ng boyfriend nya. Tumingin ako sa harap, nag iwas ako ng tingin nang makitang nakatingin saakin si Tony, boyfriend nya na medyo...may edad na. Humarap ako sa bintana sa nakakaasiwang tingin non. Ayaw ko naman mag conclude atsaka hindi ko na binibigyan pa ng meaning. "Speaking of! Kasasabi lang saakin kanina pala, may meeting with Mr. Uy this Saturday.." sagot ni Cheska. "Baka, unti unti na tayo aalisin sa trabaho." "Huy! Hindi naman siguro no" nguso nya "Hindi pa ako tapos ng pag aaral eh.." Sumingit si Tony "I told you babe, doon na lang kayo sa Restaurant mag trabaho.." Hindi ako umimik at nanatili ang tingin sa bintana. "Ayaw ko babe. Atsaka ayaw ko isipin nilang na jinowa kita dahil mayaman ka.." buntong hininga ni Cheska "Baka ano pa sabihin ng magulang mo saakin.." Medyo nakaramdam ako ng awa kay Cheska. Ulila na din kasi ito, nagtra-trabaho sa hapon para may pang tustos sa pag aaral. Yong magulang ni Tony ay ayaw sakanya. Nalaman kasi nila na mahirap lang si Cheska. Minsan, tao din ang unfair. Nag paalam na ako sakanila nang makarating. Kumaway ako kina Cheska, atsaka mabilis tumalikod at pumasok sa apartment. Sinalubong ako agad ni Balbon, ngumiti ako at niyakap ito. Mabango naman sya dahil lagi 'to naliligo. May kinuha akong tinapay sa bag at binigay sakanya. Hati na kami sa hapunan ko. Tinapos ko ang ilang sketch bago dumiretso sa kwarto at natulog. Kinabukasan, nag mamadali ako pumasok sa Xander University. Nag karoon kasi ng announcement sa GC na mag kakarooon ng program sa quadrangle. Nag taka ako bakit may program. Bilang Vice President ng SSG, kahit busy na ay alam ko pa din naman lahat lahat. Atsaka January pa lang, impossible mag karoon ng program ngayong buwan. Marami ng studyante nang makarating ako. Lahat sila ay nag bubulungan sa biglaang announcement. May lumapit pa saakin na ibang estudyante at nag tanong. Wala naman ako masagot kaya nag kibit balikat na lamang. Tumingin na kami sa stage ng lumabas ang Director. Namumutla ito at parang takot. Kumunot ang nuo ko sa napansin. Since hindi ko makita sina Bianca at Camille, nanatili na lamang ako sa pwesto ko dito sa ilalim puno ng mahogany. "Good morning students. Alam ko lahat kayo ay nag tataka bakit..bakit nag patawag kami bigla.." Naramdaman ko biglang may tumabi saakin. Hindi ko na pinansin pa ito, baka isa lang sya sa mga estudyante na wala ng ma-pwestuhan. "Alam kong aware kayo sa...issue recently." Nagsimula nag bulungan ang ilang estudyante. Napalunok ako. Alam ko kung anong issue iyon. Issue sa nangyari kay Danica.. "M-may gusto lang sana ako ipakilala.." mukhang hirap na hirap ang Director. Gumilid ng kaunti ito atsaka may tinignan sa gilid. Lahat kami ay napatingin doon. Napasinghap ako nang makita kung sino iyong umakyat sa stage at swabeng nag lakad patungo sa gitna. Malamig ang tingin nito saamin at para syang tahimik na bomba na any minute pwede sumabog. "Mr. Montemayor t-the.." hindi na natuloy ng Director ang sinasabi. "I'm the owner of this University. And you are all expelled on this University!" matigas at malamig nyang bigkas. Natahimik at napatulala lahat kami. I don't know what to say. Napansin ko pa si Herold na napatigil at napatulala kay Sir Alexander sa stage. No.. no it can't be. "Nakausap ko na lahat ng parents nyo at wala na kayo magagawa." dagdag pa nito. We know.. we know why. We hurt her.. Sa gitna ng katahimikan may isang bumasag. Isang palakpak na nag mumula sa katabi ko. Parang tuwang tuwa pa ito sa sinabi. "Iboto si Alexander sa susunod na halalan!" sigaw ng pamilyar na boses! Marahas ko sya nilingon. What I expected. Isang nakakasilaw na ngisi ang bumungad saakin habang enjoy na enjoy pumalakpak. Paano sya nakapasok dito? Lumingon sya saakin. Hindi nabago ang expression. Nangangasar pa din. Inunahan ko na sya. "Anong ginagawa mo dito? Nag gate crash na naman." Tumawa sya "Parang hindi ka na nasanay saakin Vice Pres. Bakit hindi ba ako pwede dito?" Kahit iyong way ng tanong nya mukhang nang-aasar! Bakit ba hindi makita nina Camille ang ugali nito? Sinasabi pa nila saakin na ako lang ang may ayaw kay Wayne Monterial. They didn't know na talagang nakakairita sya! I rolled my eyes "No PETS allowed. Atsaka, nag paalam ka ba kay Herold na papasok ka dito?" Ngumiwi ang gwapo nyang mukha "Why would I talk to your..boyfriend?" "He's not my boyfriend!" umirap ako ulit atsaka nag lakad na palayo sakanya. Bumalik na naman saakin iyong sinabi kani-kanina lang. Expelled na talaga kami? Seryoso? Paano iyong pag aaral ko? Paano iyon? Saan na ako mag aaral? Tatanggap pa ba 'yong ibang university this second sem? How about my scholarship. "Wait!" Hindi ko pinansin ang tawag ni Wayne at nag patuloy na lang sa pag lalakad. Mag tutungo ako ngayon sa office ni Sir Gadon. Kukunin ang Drafting Tube at sisiguraduhin din kung totoo ang mga narinig. "Look Wayne, hindi ko din alam kung nasaan si Bianca." sagot ko na. Sumabay sya sa gilid ko. Nag mumukha akong maliit kapag nadidikit sakanya. Ang tangkad nya kasi, mas matangkad pa ata sya kay Herold. Kahit mukhang problemado 'yong mga estudyante na nakakasalubong namin, napapalingon pa din sakanya. Well I admit, he's..uh hot and sexy. Even he's wearing simple clothes, dalang dala nya. Katulad na lang ngayon. He just wearing simple gray v neck t-shirt and pants. Laging suot din ang silver necklace. "Why are you always talking about Bianca, kapag nilalapitan kita babe?" he asked flirty "Don't call me babe!" iritang sabi ko. Dumiretso ako sa pag lalakad. He chuckled "Ang taray mo talaga no? Masungit pa. Ganyan ka din ba sa iba?" I stopped then looked at him "Bakit ba ang dami mong tanong? Kung mag papasama ka papunta kay Bianca. Sorry mister, diretso na ako sa firm." atsaka tinalikuran sya at dumiretso na sa offics ni Sir. Gadon. "Good Morning Sir." pag kapasok ko. Kita kong problemado ito. Tumango ito at inabot ang Drafting Tube ng hindi ako nililingon. "Thank you Sir." huminto ako saglit "Uh..Sir tungkol po doon sa sinabi ni Sir Alexander totoo?" Tumango si Sir Gadon at nilingon ako nang malungkot "We're so sorry Athena. It his order. Mahirap syang hindi sundin." Nanahimik ako. Hindi pa din ako makapaniwala na si Sir Alexander ang may ari nitong University. At kung hindi ako nag kakamali, ang Montemayor ay maraming hawak. Hinding hindi namin kayang kalabanin. Lalo na ako..mahirap. Nag paalam na lang ako kay Sir Gadon atsaka nag punta na sa firm. Hindi ko nga alam kung tutuloy pa ako since, ang sabi ay expelled na kami. Palabas ako ng University nang makita ko si Wayne, hindi ito mag isa. Kasama na nito si Bianca. At mukhang tuwang tuwa si Bianca sa kinukwento ni Wayne. Nag iwas na lang ako ng tingin atsaka sumakay na ng tricycle. Pumasok ako sa OJT na parang walang nagbago. Siguro hindi pa nakaabot dito ang nangyari kanina. Naging payapa ang trabaho ko, walang Engr. Sanchez na laging nag uutos at nag tataray saakin. Pag katapos ay dumiretso na ako sa Coffee shop. Kita ko na agad si Cheska na hindi mag kaundaga sa mga orders. Himala marami kaming costumers ngayon. Parang nakahinga nang maluwag si Cheska nang makita ako. "Dalian mo!" bulong ni Cheska sabay sipat sa mga grupo ng kalalakihan na nakaupo sa kani-kanilang pwesto. "Biglang dinagsa?" "Oo! Pero kilala ko 'yang mga yan." bulong pa nya. "Mga Varsity player sa Stan University 'yang mga yan." Sinipat ko ulit iyong mga tinutukoy nya. Mga naka-jersey ang mga ito, mukhang galing sa laro. Ngunit nahinto ang tingin ko mang may makilala akong dalawang tao. They're laughing with their teammates. Sakto namang napalingon sila saakin. Umaliwalas ang mukha nila at tumayo 'saka lumapit saakin. "Athena! Long time no see." bati ni James. Pilit ako ngumiti. Tumango naman iyong katabi nya na si Mark. "Dito ka pala nag t-trabaho?" tanong pa nya. "Oo." sagot ko atsaka tingin sa likod. Nanunuod pala si Cheska saakin. "Uh..sige pala. Ayusin ko lang 'yong mga orders nyo." sabi ko at mabilis na tumalikod. Nakahinga ako nang maluwag ng makapunta sa kitchen. Hindi ko alam na makikita ko sina James at Mark! I guess alam na nila 'yong saamin ni Herold. Mag kakatropa silang tatlo, I'm really sure. Alam nila.. at kasama din sila sa nag tago sa relasyon nina Danica at Herold. I smiled bitterly. Ang hirap na talaga mag tiwala ngayon. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD