UNTI-UNTING iminulat ni Joanna ang mga mata nang tuluyang maalimpungatan. Puting kisame agad ang bumungad sa kanyang paningin. Tumingin siya sa kaliwa niya, puting kurtina sa nakabukas na bintana ang sinasayaw-sayaw ng hangin ang tela. Napalunok siya. Hindi naman kulay puti ang kurtina sa bintana ng hotel suite na tinutuluyan nila. Bumangon na siya mula sa pagkakahiga habang hawak ang noo. Pagkababa sa kama ay marahan siyang naglakad palapit sa may bintana. Napahawak siya sa bibig nang makita kung ano ang mayroon sa labas ng bintana. Dagat. Iyon ang nakikita ng mga mata niya. Pinilit niyang alalahanin ang nangyari kagabi. Bukod sa nagpaalam siya kay Ara na maglalakad-lakad lang sa labas ng hotel, ang huling natatandaan niya ay may kung sinong humigit sa kanya. Pagkatapos niyon ay wala n