ISANG sulyap pa sa salamin bago ipinasyang lumabas ni Joanna sa ukupadong silid sa tinutuluyang hotel. Nakasuot siya ng kulay itim na off shoulder bandage dress na may slit hanggang sa medyo taas ng hita niya. Kulay cream naman na high heels sa paa niya. Inilugay lang din niya ang kinulot niyang buhok. Fresh look naman sa make up. Sakto namang tumunog ang doorbell. Ang baby sitter ni Norielle na si Ara ang nagbukas ng pinto. Nakangiting mukha ni Nathan ang pumasok sa loob. Nakasuot ito ng black suit. Mababakas din ang relief sa guwapo nitong mukha nang makitang nakabihis na siya. “Hi,” nakangiti pa nitong bati sa kanya. “Akala ko dadaanin pa kita sa puwersahan para sumama.” Nang lapitan niya si Nathan ay pigil-pigil niya ang sarili na irapan ito. Napakatuso rin ng isang ito. “Uuwi rin