Chapter 22

1324 Words

HALOS tumigil ang mundo ni Joanna nang magtama ang mga tingin nila ni Nash. Nang mga sandaling iyon, wala siyang ibang nakikita kundi ito lang. Ang guwapo nitong mukha na lalo pang pinaguwapo sa lumipas na dalawang taon. Kagaya ni Nathan ay nakasuot din ng formal suit ang binata. Nakasuklay papunta sa likod ang buhok nito. Lalo itong nagmukhang intimidating ang dating. Idagdag pa ang kaseryosohan sa mukha nito na halos hindi mabanat ng ngiti ang labi. At ang mga mata nito, tanging disgusto ang mababakas doon. Bago pa makapagsalita si Nash ay naunahan na ito ng mommy nito. “Nash, girlfriend ng Kuya Nathan mo,” magiliw pang anunsiyo kay Nash ng ina nito. Sandaling tumiim ang bagang nito na hindi nakaligtas sa matalas na paningin ni Joanna. Makalipas ang ilang sandaling pagtitig sa kanya ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD