“NA MISS mo ba itong hacienda?” Malungkot niyang nginitian si Nathan. “Medyo. Marami rin namang magagandang memories dito na nangyari sa akin bago ako tuluyang umalis,” huminga siya nang malalim. “Pinaalis pala.” Nang mga sandaling iyon ay nasa silid sila ni Nathan. Naniniwala raw si Nathan na sumunod sa kanila si Nash kanina kaya naisipan siya nitong dalhin sa silid nito. At sigurado rin ito na nasa labas lang ngayon si Nash at nag-iisip na ng masama sa kanila. Na may ginagawa silang kamunduhan doon. As if naman ay may pakialam pa si Nash sa kanya? “Joanna,” agaw ni Nathan sa atensiyon niya. Napatingin siya rito. Kasalukuyan itong nakaupo sa gilid ng kama nito. Habang siya naman ay sa one setter sofa nakaupo. “Bakit?” “Naisip mo ba na nangyari ang lahat dahil may dahilan?” Hindi n