Chapter Three

2169 Words
NAPANGITI si Serron nang marinig niya ang hiyaw ni Jero habang naliligo. Inihanda na niya ang mga damit na pinamili niya kanina. Paglabas ni Jero ay binalot lamang ng tuwalya ang hubad nitong katawan. Kaagad niya itong nilapitan at akmang tutulungang magbihis. “Let me do this. I can dress alone,” masungit na sabi nito. Ibinigay na lamang niya rito ang damit at pinanood itong nagbibihis. “Why you can’t stay under the sun, Serron?” tanong ni Jero kay Serron nang lulan na sila ng kotse patungo sa resort ni Erron. Hiniram niya ang armor car ni Trivor na hindi nakakalusot ang UV rays. “I’m not a daywalker vampire,” aniya. “Why I can? What you mean by daywalker?” magkasunod nitong tanong. “Because almost half of your blood was from a human. A hybrid vampire like you has flexible DNA. We called you a daywalker because you can last staying under the sun and you didn’t burn by UV rays,” paliwanag niya. “I didn’t think about the origin of vampires. I don’t even know what kind of creature I am. My parents called me a monster or a demon,” he said seriously. Pakiramdam niya ay hindi bata ang kausap niya. Maya’t-maya niyang sinisipat si Jero sa pamamagitan ng rearview mirror. Prente itong nakaupo sa tabi niya. Napapantastikuhan pa rin siya. Jero’s face a reflection of him. Is it possible that they have the same angle of a face or it was just a coincidence? Hindi na umimik ang bata. Pinapakiramdaman lamang niya ito habang seryoso itong nakatanaw sa labas mula sa salaming bintana. Gawa sa makapal na salamin ang bintana kaya hindi nakakaluso ang sinag ng araw. Pagdating nila sa Harley’s Resort ay nagulat siya nang makita pa rin niya roon si Joli. Ang akala niya’y overnight lang ito sa resort ni Erron. Ito kaagad ang bumungad sa kanya pagdating nila sa dining area. “Hi! Hindi ka na bumalik kagabi,” bungad sa kanya ng dalaga. Panay ang sipat nito sa batang kasama niya. “Uhm, may emergency kasi. Sorry kung iniwan kita bigla,” aniya. “No worries. So, anak mo?” pagkuwa’y tanong nito habang nakatingin pa rin kay Jero. Busy naman sa pagmamasid sa paligid si Jero. “Nope,” mariing sagot niya. “Oh, sorry. Pero magkamukha kayo, ah. Para kayong pinagbiyak na bunga,” natatawang sabi nito. Bigla na lamang tumabang ang ngiti niya. Hindi tuloy niya alam ang kanyang sasabihin. Talaga ngang malaki ang pagkakahawig niya sa bata. “Hi, little boy! I’m Jov—J-Joli, and you are?” pagkuwan ay pakilala ni Joli kay Jero. Dumukwang pa ito. Tinitigan lamang ni Jero ang inaalok nitong kamay. “His name is Jero,” sagot na lamang niya. “Mukhang mailap sa tao itong si Jero. I think, vampire rin siya,” pabulong na sabi nito. Tumayo na ito nang tuwid. Ngumiti lamang siya. Dumarami na kasi ang mga tao, baka biglang magwala si Jero. “Ahm, excuse me, dadalhin ko lang si Jero sa room ko,” apila niya pagkuwan. “Okay,” nakangiting sabi naman ng dalaga. Nagmamadaling iniwan nila si Joli na nag-abala pang sundan sila ng tingin. “She’s pretty,” wika ni Jero nang makapasok na sila sa inuukupa niyang kuwarto. Ngumiti siya. “Marunong ka rin palang mag-appreciate ng physical appearance ng tao,” aniya. “Why she knows about a vampire?” curious na tanong nito. “She’s my friend. She knows that vampires are exist.” “She looks familiar,” wika nito saka humiga nang patihaya sa kama. Napamatang tinitigan niya ang bata. He doesn’t understand why he found his comment a bit confusing at the same time, interesting. Bumuntong-hininga siya. “I wanna go out,” anito nang muling umupo. Naalarma siya. Hindi maaring kaagad na ma-expose sa maraming tao si Jero. “No. Maraming tao sa labas baka kung ano ang gawin mo. Lalabas ka na kasama ako pero mamayang gabi na,” maawtoridad na sabi niya rito, “But I can stay under the sun!” pilit nito. Bumalikwas ito nang tayo. “Kahit na.” “I need sangre! I’m hungry!” pagpipilit nito. Napakamot siya ng ulo. “I’ll give you sangre but not from human.” “No!” asik nito. “Be kind, Jero, or I’ll call Leandro to bite you again? Do you want to sleep again?” pananakot niya rito. Hindi na umimik ang bata. Padabog itong umupong muli sa kama at humahaba ang nguso. “I’ll take some food for you. Just stay here and don’t go out,” habilin niya rito bago ito iniwan. Wala siyang tiwala rito kaya ginamitan niya ng orasyon ang kuwarto upang maging sarado. Kahit anong gawin ni Jero ay hindi nito mabubuksan ang pinto at hindi nito magagamit ang kapangyarihan na meron ito.   HINDI mapakali si Jove habang nakaluklok sa kama sa kuwartong inuukupa niya. Hindi pa siya nakapag-check out. Dapat umaga pa lang ay nakaalis ma siya pero parang may pumipigil sa kanya. Kanina pa siya nakikiramdam sa kabilang kuwarto kung saan si Serron at ang batang kasama nito. Hindi pa rin siya maka-get over sa naramdaman niya kanina nang makita ang bata. Parang may lumukso sa malaking parte ng puso niya. Hindi niya maintindihan bakit ganoon na lang kagaan ang loob niya sa bata kahit ito ay masungit. Feeling niya ay hindi lamang iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang bata. Pamilyar din sa kanya ang mukha nito, maliban sa kamukha ito ni Serron. Naisip niya, imposibleng hindi kamag-anak ni Serron ang bata. Parang pinagbiyak na bunga ang dalawa. O baka naman anak iyon ng kapatid ni Serron. Ewan, naguguluhan siya. At bakit pa ba niya iyon iniisip? Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay lumabas siya ng kuwarto. Inantabayanan niya sa dining ng restaurant si Serron, pero isang guwapong lalaki na kamukha ni Serron ang nasilayan niya na lumabas sa isang pinto, malamang ay opisina. Naisip niya; ito na siguro ang kapatid ni Serron. Mas seryoso ito ay suplado ang hilatsa ng pagmumukha, hindi tulad ni Serron na mahinahon. Umupo siya sa stool sa tapat ng bar counter at nag-order ng brandy. Ilang gabi na rin kasi siyang hindi nakakatulog ng sapat na oras. Hindi rin siya nakakapagsulat ng bagong nobela. Alam na niya ang kulang, kulang siya sa insperasyon. Inaatake na naman siya ng writer’s block. Epekto na rin iyon ng mga sunod-sunod na problema. Nakadalawang shot glass na siya ng brandy pero hindi pa rin niya nasisipat ang bulto ni Serron. Nag-order pa siya ng isa pang baso ng brandy. Nasanay na siyang uminom ng alak bago maghapunan. Kapag kasi inuna niya ang hapunan ay nagsusuka siya. “Kailan ka pa naging alcoholic?” Kumislot siya nang marinig ang tinig na iyon ng lalaki sa kanyang tabi sa gawing kanan niya. Awtomatiko’y hinarap niya ito. Hindi pa naman niya nararamdaman ang epekto ng inumin sa utak at paningin niya, pero umiinit na ang buong katawan niya. “Serron,” nakangiting sambit niya. Umupo naman ito sa katabi niyang stool. “Is that your life after eight years?” umuusig na tanong nito. Mabilis na napalis ang ngiti niya. Bumuga siya ng hangin. “I’m just like this, Serron, Nagbabago ang tao, depende sa karanasan nito,” aniya sa malamig na tinig. Bumibigat ang dibdib niya sa tuwing naiisip niya ang estado niya sa buhay. “No. Hindi ka ganyan noong una kitang makilala. Siguro dahil kay Harvey,” anito. Noong isang gabi pa siya nag-iisip tungkol sa Harvey na sinasabi nito. Kung itatanong naman niya kung sino si Harvey ay baka magtataka na ito. Baka mahahalata na nito ang pagpapanggap niya. “Uhm, I don’t want to talk about him,” sabi na lamang niya sakaling makatiyamba. “Okay. Sabi mo nga, ako lang ang lalaking pinagkakatiwalaan mo when it comes to telling your problems. You are always asking for my advice.” Napalunok siya. Hindi niya magawang makipagtitigan dito. Pakiramdam kasi niya ay pinag-aaralan siya nito. Ibinaling na lamang niya ang paningin sa kanyang inumin. Wala siyang alam kung gaano nga ba kalalim ang pinagsamahan nila Serron at ng kapatid niya. Ang alam lang niya, umiibig si Joli sa lalaking ito. At paanong may Harvey na nasangkot? Sino ba talaga iyon sa buhay ni Joli? Nadagdagan tuloy ang lalaking iimbestigahan niya. Nalilito na siya. Hindi siya maaring makisama nang matagal kay Serron, baka lalo lang siya maiipit sa isang nakaraan na wala siyang kinalaman. Pero kailangan niyang maging malapit dito nang sa gayun ay malaman niya kung ano nga ba talaga ang dahilan bakit naisip ni Joli na magpakamatay. “Kumusta naman ang plano mong pagpapatayo ng resort?” mamaya’y tanong ni Serron. Napilitan siyang tingnan ito. “Ahm, naghahanap pa ako ng magaling na engineer,” aniya. “I can help you.” Matamang tinitigan niya ito. Lalo ata itong gumuwapo sa paningin niya gayung unti-unti nang kumakagat ang ispiritu ng alak sa katauhan niya. “Also I need an architect, a good architect,” aniya. “Puwede mo rin akong kunin as your architect. Hindi ako magaling pero baka magustuhan mo ang mga designs ko,” nakangiting wika nito. “Sigurado ka ba riyan?” natatawang gagad niya. Tumango ito. “I’m pretty sure,” matatag na sabi nito. “How much naman ang service fee mo?” “I can offer free services for you.” Tumawa siya nang pagak. “That’s not a good idea Mr. Harley. I have money to pay for your services,” aniya. “Gusto ko lang bumawi, Joli.” Bahagyang nanlamig ang boses nito. Natigilan siya. Bigla na lamang kasi dumilim ang mukha nito. “What do you mean?” kunot-noong tanong niya. Hindi kumibo si Serron, sa halip ay tumitig ito ng deretso sa mga mata niya. Pakiramdam niya’y binabasa nito ang isip niya. “Ahm, ayaw ko nang isipin ang nakaraan. Sabihin na nating nagsisimula ulit tayo as a friend,” sabi na lamang niya, kunwari ay may alam talaga siya. She has good acting skills though. “I think—there’s something wrong with you, Joli,” anito. “What?” Kinabahan siya sa sinabi nito. Nahahalata na kaya siya nito? “Mukhang may nakakalimutan ka.” Namimilog ang mga matang nakatitig siya sa mga mata nito. Gusto na niyang iwan ito pero hindi niya magawa. Kung magtatagal pa ang pag-uusap nilang iyon ay baka madulas na ang dila niya. Wala na siyang maisip sabihin. Hindi na rin niya maitago nang matagal ang pagiging Jove, lalo pa’t nati-tense siya.   “Anyway, kailan  mo naman balak simulan ang construction ng resort mo?” pag-iiba ni Serron sa usapan. Bumuntong-hininga siya. Nakahinga rin siya nang maluwag. “By this month if may nakausap na akong engineer,” aniya. “Isa sa kasama ko sa organisasyon namin ay magaling na engineer,” anito. “Talaga?” Namnagha siya. “Pero kung bampira rin siya, paano siya magtatrabaho sa araw?” pagkuwan ay tanong niya. “As usual, gabi siya nagtatrabaho. He can hide his dark aura. Matagal na siyang nakikisalamuha sa mga tao kaya sanay na siya.” Magandang pagkakataon iyon, baka makahirit siya ng discount sa kaibigan ni Serron. Natatawa siya sa kanyang naiisip. Hindi niya akalaing namumuhay na nang normal ang mga bampira kasama ng mga tao. “Baka naman tagain ako n’yon sa presyo,” aniya. “Hindi. Akong bahala. Pero about sa sketch ng bahay, okay lang ba na ipagkatiwala mo sa akin iyon?” nakangiting sabi nito. Pangisi-ngisi lamang siya. Aywan niya bakit tuwang-tuwa siya sa offer na iyon ni Serron. Unti-unti na rin niya nauunawaan bakit nagustuhan ito ng kapatid niya. Naniniwala na siya na may mabait na bampira sa mundo. Akala niya noon ay nag-iilusyon lang ang kapatid niya. Pero nalilito pa rin siya sa mga kaganapan. Masyado na siyang napapantastikuhan sa nakaraan ni Joli. Bakit kasi mas nagkanya-kanya pa silang buhay? Hindi tuloy niya alam kung ano ang ibang pinagkakaabalahan ng kakambal niya maliban sa pag-aartista. Simula noong namatay ang parents nila, naiwan sila sa Nakatatandang kapatid ng Papa nila na nag-take over ng resort business sa Talisay. Pero nalugi ang negosyo at naibenta ng tiyuhin niya. Binilhan sila ng sarili nilang lupa at bahay na siyang tinitirahan niya ngayon. Ang ibang pera ay naipundo sa bangko para panggastos sa pag-aaral nila. First year college siya noong namatay ang tiyuhin niya, binata iyon pero lulong sa alak kaya nagkaroon ng sakit sa atay. Kanya-kanyang sikap na sila ni Joli. Ito bilang artista at writer na rin, at siya ay nagpatuloy sa pag-aaral habang nagsusulat ng nobela na binibili ng publishing house. “Hm, I trust you, Serron. Let’s see if your designs are compatible with my ideas,” aniya pagkuwan. “Gagawa ako ng magkaibang designs para makapili ka. Puwede ring sabihin mo sa akin ang designs na gusto mo para may ideya ako,” sabi nito. “May binili akong magazine tungkol sa mga designs ng resort. Simple lang naman ang gusto ko, pero may class. Later ipapakita ko sa iyo ang mga gusto kong designs.” “Okay.” Napatitig siya sa mukha ni Serron nang masipat niya itong kumagat-labi. Hindi naalis ang ngiti sa mga mata nito. At bakit ganoon na lamang ang nararamdaman niya habang pinagmamasdan ito. Bigla na lamang may kung anong bayolenteng init na dumantay sa mga ugat niya. Ang puso niya’y pumintig nang husto. Naging extra hot ata sa paningin niya si Serron. O baka naman epekto lang iyon ng alak. She shook her head to restore her normal though and emotions. “Maiwan na muna kita. Hahanapin ko lang ang alaga ko baka kung saan na iyon sumuot,” pagkuwan ay paalam ni Serron. Tumayo na ito. “Ang batang masungit ba na kasama mo kanina?” usisa niya. Ngumiti si Serron. “Yap. He’s brave but he likes you,” anito. “Really?” Nawindang siya. Ang masungit na batang iyon, marunong din palang humanga! Tumikwas ang isang kilay niya. “E bakit hindi niya ako kinamayan kanina?” “Nangingilala lang iyon, first time kasi niya rito.” Hindi na naalis ang ngiti sa labi niya. Ewan niya bakit ganoon na lamang ang galak niya na nalamang nagustuhan siya ng batang si Jero. “Sige, maiwan na muna kita,” ani Serron. Tumango lamang siya. Nakangiti pa rin siya habang sinusundan ng tingin si Serron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD