INUBOS lamang ni Jove ang laman ng baso niya at hindi na siya nag-order pa ng alak. Nang paalis na siya ng bar ay nagulat siya nang biglang may bumunggo sa pang-upo niya. Kamuntik pa siyang mawalan ng panimbang.
Nang lumingon siya sa likuran ay namataan niya ang batang si Jero. “Oh, hey kid!” nagagalak na bati niya rito.
“You’re Serron’s friend, right?” tanong nito habang nakahalukipkip.
“Friend? Ah, yeah na lang,” aniya.
Nakatitig ito sa suot niyang kuwintas. Yari sa batong jade ang kuwintas niya na may nag-iisang puting malapad na bato na may nakaukit na Litrang ‘J’. Ang ngiti niya’y napalis nang bigla na lamang hablutin ng bata ang kuwintas niya saka ito tumakbo.
“Hoy! Ibalik mo iyan!” sigaw niya. Hinabol niya ito.
Mabuti na lamang at matibay ang tali ng kuwintas niya at ang lock lamang niyon ang napigtas. Hinabol niya ang bata kahit saan ito magsusuot. Masyado itong mabilis tumakbo, samantalang siya ay makupad pa sa pagong dahil sa three inches niyang sandals.
“Salbaheng bata ‘to!” maktol niya habang nakasunod sa bata.
Nakita niya itong patungo sa kuwarto ni Serron. Nahirapan sa pagbukas ng pinto ang bata kaya naabutan niya ito. Ngunit kung kailan abot-kamay na niya ito ay saka naman ito pumasok sa kuwarto. Bago pa nito naisara ang pinto ay nakapasok na siya.
Natigilan siya nang makita si Serron na kalalabas ng banyo na tanging puting tuwalya lamang ang suot sa katawan. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang lumapit si Jero kay Serron at nahawakan nito ang tuwalyang tanging suot ni Serron. Nalaglag sa sahig ang tuwalya.
“s**t!” narinig niyang daing ni Serron.
Dagling naipikit niya ang kanyang mga mata, pero hindi niya maikakaila na may nakita siyang sawa. Oo sawa kasi ang laki! Tinakpan pa niya ng kamay ang kanyang mga mata.
“W-wala akong nakita, ah,” aniya.
“Jero! Ano ba ang pinagagawa mo?!” saway ni Serron sa bata.
“Kinuha niya ang kuwintas ko!” sumbong niya, nakatakip pa rin ang kamay sa mga mata.
“It’s okay, Joli. I’m sorry. You may open your eyes,” wika ni Serron.
Inalis naman niya ang kamay sa mata at iminulat ang kanyang mga mata niya. May suot nang bughaw na boxer si Serron, bakat pa rin ang sawa. Hawak na nito ang kuwintas niya na kinuha nito kay Jero. Tahimik nang nakaupo si Jero sa sulok ng kama at nakamasid sa kanila.
Naiilang na kinuha niya sa kamay nito ang kuwintas niya habang nakatitig sa mukha nito. “S-salamat,” aniya.
Hindi siya nakatiis, ibinaba niya ang tingin sa matipunong dibdib nito. Makinis ang dibdib nito na halatang hitik iyon sa muscle at katigasan. Napalunok siya nang ibaba pa niya ang tingin sa puson nitong may mga muscles na nahahati sa anim na parang pandesal na nagdikit-dikit. Sinuyod niya ng tingin ang katawan nito paitaas. Tumigil ang paningin niya sa leeg nito kung saan panay ang taas-baba ng Adam’s apple nito.
Napalunok siya. It’s weird. She felt something unusual emotions while she was staring at him, not just because he was handsome and extra hot. Parang may masarap na parte ni Serron na napipintong aangkin sa kanya. Nilinis niya ang kanyang lalamunan at itinaga sa kanyang isipan na hindi dapat siya magpapadala sa magandang napapansin niya sa lalaki. He’s a subject enemy, the one who destroys her sister.
Pero hanggat wala pa siyang sapat na katibayan, okay lang naman na pakikisamahan niya nang maayos ang lalaki. Pero once napatunayan niya na ito nga ang dahilan ng pagpapakamatay ng kapatid niya ay titiyakin niyang magbabayad ito.
Kumislot siya nang ma-realize na may katagalan na pala silang nagkatitigan ni Serron. Parang may bumundol sa dibdib niya nang mapansin ang malagkit ma titig nito sa kanya. Matabang siyang ngumiti. Serron smiled sweetly, dahilan kaya lalong nabulabog ang puso niya.
“Uhm, ako na ang humihingi ng pasensiya sa ginawa ni Jero. Alam mo naman ang bata, natural na makulit,” naiilang na wika ni Serron. Ito ang naunang umiwas ng tingin.
“Okay lang. Oo, tama ka, matitigas talaga ang ulo ng mga bata ngayon,” amuse na sabi niya.
“Oo nga, lalo na sa kagaya ni Jero na lumaking walang mga gumagabay na magulang.”
Napatda siya. Bigla na namang dumapo sa isip niya ang kanyang anak na pinamigay niya. Agarang nanikip ang dibdib niya. Guilt and pain bothering her again.
“Tama ka. Mahirap talaga mawalay sa mga magulang,” malamig ang tinig na sabi niya.
“Hayaan mo, pagsasabihan ko si Jero.” Lumapit si Serron sa closet nito at naghagilap ng damit na maisusuot.
Noon lamang niya napansin ang paligid. Maluwag ang kuwarto, walls and ceiling are painted with cream. Mas maluwag ang kuwartong iyon kaysa kuwarto na inuukupa niya. Makapal na pulang kurtina ang nakatakip sa malaking bintana na nag-iisa. Wala masyadong kagamitan sa loob maliban sa kama, mesita at closet.
Nang nagbibihis na si Serron ay naisip niyang magpaalam. “Sige, lalabas na ako. Salamat ulit at pasensiya na bigla akong pumasok,” aniya.
“Wala ‘yon,” anito habang nagsusuot ng pantalon. “Uh, hindi ka pa naman siguro matutulog, baka puwede tayong mag-usap mamaya sa tabing dagat,” pagkuwan ay sabi nito.
“Ha?” Umawang ang bibig niya. Hindi niya inaasahan ang imbitasyon nito.
“Ahm, pag-uuspan natin ang tungkol sa gagawing resort mo,” paglilinaw nito.
“Ah, okay. Sige. Katukin mo lang ako sa kuwarto ko.” She felt relief.
Ngumiti lang si Serron. Pagkuwa’y lumabas na siya. Kinawayan pa niya si Jero na noo’y nakahiga na at nagbabasa ng magazine. Ni hindi siya tinapunan ng tingin.
ISANG oras nang naghihintay si Jove sa loob ng kuwarto niya. Inaantabayanan niyang may kakatok. Naiinis siya sa nararamdaman niyang iyon. Bakit nga ba siya nasasabik sa muling pag-uusap nila ni Serron? Wala sa plano niya na magkaroon ng malalim na commitment sa lalaki. Dahil sa nangyayari ay matatagalan siya plano at baka ma-trap pa siya rito.
Bumalikwas siya nang bangon mula sa kama niya nang may kumatok. Patakbong tinungo pa niya ang pinto. Inayos-ayos pa niya ang kanyang sarili. Kaliligo lang naman niya at nagsuot siya ng pulang dress. Light lang ang makeup niya, gabi naman. Nang buksan niya ang pinto ay tumabang ang ngiti niya nang hindi si Serron ang napagbuksan niya kundi ang lalaking staff ng naturang resort.
“Good evening ma’am!” todo ngiting bati nito sa kanya. “Pinapasabi po ni Sir Serron na bukas na lang daw po kayo mag-uusap, may emergency po kasi siyang lakad,” wika ng lalaki.
“Ah, ganun ba? Sige, salamat,” aniya. Deep inside, she felt disappointed.
Ngumiti lang ang lalaki at kaagad ding umalis.
Nang maisara na niya ang pinto ay biglang uminit ang bunbunan niya. “Kainis! Pinaghintay lang niya ako! Bakit hindi niya sa akin sinabi nang personal, e nariyan lang naman sa kabila ang kuwarto niya? Paasa rin pala ang isang iyon!” nagmamaktol na palatak niya.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin siya madalaw-dalaw ng antok. Lahat na ata ng posisyon sa kama ay ginawa na niya. Sa inis ay bumangon siya at lumabas. Nagtungo siya sa bar at nag-order ulit ng brandy. Hindi siya tumigil sa pag-inom hanggat hindi siya nahihilo. Iyon lang ang paraang alam niya upang makatulog siya.
ALAS-KUWATRO na ng madaling araw nakabalik sa resort si Serron. Iniwan kasi niya roon si Jero. Pagdating niya sa lobby ay napahinto siya nang mapansin niya si Joli na nakahimlay sa sofa. Hindi naman ito natutulog dahil nagsasalita ito. Nahulaan kaagad niya na lasing ito.
Nang lapitan niya ito ay bigla itong tumayo. Halos hindi na nito maituwid ang mga tuhod. Namumungay ang mga mata na nakatingin ito sa kanya. Tila inaaninag pa nito ang mukha niya.
“Hey! Serron, is that you?” tanong nito na naiduro pa siya.
“You’re drunk,” aniya.
Humalakhak ito. “H-Hindi kasi ako makatulog, eh.” Gumigiwang ito habang palapit pa sa kanya. “Saan ka naman nagpunta, ha? Hinintay kita,’ sabi nito.
“May emergency lang. Nagpasabi naman ako sa staff para ipaalam sa iyo.”
Nang akmang aabutin siya nito ay bigla namang tumiklop ang tuhod nito at nawalan ito ng balanse. Maagap naman siya sa paghagip sa baywang nito. Niyakap niya ang nanlalambot nitong katawan. Isinubsob pa nito ang mukha sa kanyang dibdib. Ang mga kamay nito’y hindi mapakali at kung saan-saan dumadapo sa parte ng kanyang katawan.
“Ihahatid na kita sa kuwarto mo,” aniya.
Inakay na niya ito patungo sa kuwartong inuukupa nito. Halos ayaw nitong ihakbang ang mga paa. Nang hindi na ito kumikilos ay bigla niya itong binuhat. Pambihira, hindi pa nito nai-lock ang kuwartong inuukupa nito. Akala niya’y natutulog na ito ngunit nang ihiga na niya ito sa kama ay bigla itong nagmulat ng mga mata. Ayaw nang maalis ang mga kamay nito na namulupot sa leeg niya.
Nasasamyo niya ang amoy alak nitong hininga, mainit at tila may taglay na gayuma. Namumula ang mukha nito, na lalong nagpainit sa presensiya nito. His confusion became worst. Hindi na siya kumbinsido na si Joli pa ang kasama niya. She’s changed.
Pilit niyang inaalis ang kamay nito ngunit lalo lamang siya nito hinatak palapit dito. Nawalan siya ng panimbang. Naibagsak niya ang katawan sa ibabaw nito. Nagulat siya nang mapansin ang malalagkit nitong titig sa kanya. Noon lamang niya lubos na-appreciate ang ganda nito. Actually, he’s not easily attract with woman. Pilit niyang inaangat ang katawan ngunit ang mga kamay nito ay pumipigil sa kanya.
Nanlambot siya nang haplusin nito ang dibdib niya. Hinila nito ang necktie niya dahilan upang lalong maglapit ang mga mukha nila. Hindi niya namalayan ang mabilis na pagsiil nito ng halik sa labi niya. Hindi niya ito pinigilan, ngunit hindi rin siya tumugon sa halik nito.
Nalilito siya sa kanyang nararamdaman. Gustong-gusto na niya itong patulan ngunit may bumabagabag sa isip niya. Ngayon niya lubos naisip na malaki ang pinagbago nito kung talagang ito ang Joli na nakilala niya. Joli never acts like she does now. It’s surprisingly aroused his manliness. Ibang-iba ang epekto nito sa kanyang p*********i.
Minsan na siya nitong hinalikan noon, ngunit hindi ganoon ang nararamdaman niya. Wala siyang nararamdamang pananabik dito noon. Alam naman niya sa sarili na wala siyang gusto rito. Nagustuhan lamang niya ito bilang kaibigan, dahil ito ang kauna-unahang tao na tinanggap kung anong klase siyang nilalang.
Naguguluhan pa rin niya. Wala siyang kakayahang basahin ang isip at puso nito, even her aura, he can’t detect her aura but it felt familiar. Is it possible that humans aura are change? Puwedeng magbago ang human nature but not the aura where only found in DNA. Human has different DNA even twin, kaya makikilala pa rin niya. Pero hindi niya gaanong kabisado ang mga tao. Pinagbabasehan lamang niya ang pamilyar na aura na nasasagap niya rito.
Kusang huminto si Joli sa paghalik sa kanya nang siguro’y mainip dahil hindi siya tumutugon sa halik nito. Nang lumuwag ang pagkakahapit ng kamay nito sa leeg niya ay iniangat niya ang kanyang katawan. Tumayo siya sa harapan nito at inayos ang kanyang sarili.
“Why you can’t kiss me back?” tanong nito. Bahagya itong umupo. “Don’t tell me you don’t know how to kiss. Or because you’re a gay?” amuse na sabi nito.
Uminit ang tainga niya dahil sa sinabi nito. Mariing tinitigan niya ang mukha nito. Ang suwabe ng ngiti nito na parang nakakaloko. Napalunok siya nang unti-unting alisin nito sa pagkabotones ang blouse nito. Pagkuwa’y tumayo ito. Tuluyang nahubad nito ang damit at tanging itim na bra ang itinira nito pan-itaas.
“Come on, Serron. Patunayan mo sa akin na lalaki ka. I’m drunk, but I still in good mind. I know what I’m doing,” wika nito.
“You should sleep, Joli,” aniya. Dumestansiya siya rito. “I’m not gay, I’m just respecting you,” he said seriously.
She sarcastically chuckled. “Oh? Baka naman takot ka lang,” tudyo pa nito.
“You’re right, I’m afraid to lose my control. I won’t trust myself when it comes to s****l matter,” matatag na wika niya.
Tumawa ito nang pagak. “Or, virgin ka kaya natatakot ka. Ganyan ang mga lalaking virgin, wholesome kunwari pero grabe naman magnasa nang patago,” sabi nito. Humalakhak pa nga. Humakbang ito palapit sa kanya. “Mahirap ang nagpipigil, Serron. Masakit iyan,” walang abog na sabi nito habang inaayos ang necktie niya at pasimpleng ipinaglalandas ang kamay sa kanyang dibdib.
Hinawakan niya ang kamay nito saka inilayo sa dibdib niya. “The past is enough, Joli. Ayaw ko nang maulit iyon,” aniya.
Napalis ang ngiti sa labi ng dalaga. Mariing kumunot ang noo nito. “What about the past?” tanong nito.
Nagtatakang nakatitig siya sa gulat din nitong mukha. “Hindi na mahalaga iyon. Pareho tayong wala sa sarili noon kaya parang wala ring kuwenta ang nangyari. Matulog ka na,” aniya at akmang tatalikuran ito ngunit mabilis na humapit ang kamay nito sa braso niya.
“Anong nangyari noon, Serron?” tanong nito.
Hindi niya ito nilingon bagkus ay sapilitan niyang inalis ang kamay nito sa braso niya. Imposibleng hindi nito naaalala ang nangyari noon. Walang imik na iniwan niya ito. Hindi naman siya nito pinigilan.
Paglabas niya ng pinto ay napaisip siya. Nagpoprotesta na ang isip niya na hindi si Joli ang nakaharap niya. Pero imposibleng ibang tao ito. Kamukhang-kamukha ito ni Joli. Aminado siya na marami pa siyang hindi alam sa buhay ni Joli. Ni minsan ay hindi ito nagkuwento sa kanya tungkol sa pamilya nito. Ang alam lang niya’y wala na itong mga magulang at mag-isang nakikipagsapalaran.
Bihira rin silang magkuwentuhan noon at halos siya lang ang nagsi-share ng kuwento tungkol sa buhay niya. Ayaw nitong ipakilala siya sa mga kaibigan nito baka raw matakot dahil isa siyang bampira. Iyon din ang payo niya. Sinabi niya na huwag nitong sabihin kahit kanino na may kaibigan itong bampira. Pero minsan niya itong nahuli noon na may kausap sa phone. Tinawag nitong ‘sis’ ang kausap. Hindi niya iyon kinuwestyon baka ika niya’y isa lamang iyon sa kaibigan nitong artista.
Naguguluhan na siya. Imposible naman ang iniisip niya na baka hindi talaga si Joli ang nakasama niya ngayon. Pagpasok niya sa kanyang kuwarto ay naabutan niya si Jero na nanonood ng telebisyon. Suspense movie ang pinapanood nito habang nakaupo ito sa kama. Nagkalat ang pinagkainan nito sa mesita.
Bumuntong-hininga siya. “What did you ate? Why there’s a red stain on my bedsheet?” tanong niya rito. Tomato sauce ang naamoy niya sa kama.
“I ate meat with tomato sauce. I hate the taste,” anito. Nakatitig pa rin sa telebisyon.
“You hate the taste but your plate is empty,” sarkastikong sabi niya.
Hindi na umimik ang bata. Niligpit na lamang niya ang kalat nito. Nag-instant Daddy siya, o hindi naman kaya ay yayo. Mas mahirap pa ata itong alagaan kaysa kay Devey na anak ni Dario at founder ng sangre organization.