MARIING hinawakan ni Serron ang wine glass hanggang sa mabasag ito sa kamay niya—habang pinagmamasdan niya sina Jove at Jegs sa labas na magkayakap. Hinawi pa niya ang kurtina ng bintana upang malayang mapagmasdan ang dalawa. Hindi siya umiwas kahit nang matuon sa kanya ang mahayap na tingin ni Jegs. Hindi siya nagkakamali ng kutob na kasama ni Jove si Jegs. Lalo lamang tumibay ang paniniwala niya na nagkakamabutihan na ang dalawa. Hindi niya minsan inisip na magagawa siyang traidurin ng kanyang kaibigan. Nagkaroon lamang siya ng matibay na dahilan upang tumiwalag sa kanilang grupo. “Is she’s Jero’s mother?” Nilingon niya bigla ang nagsalitang iyon buhat sa kanyang likuran. Titig na titig si Zephora sa kamay niyang may dumadaloy na dugo, habang hawak pa rin niya ang nabasag na baso. Si Z