LUMIPAS na naman ang isang linggo hindi pa rin nakikita ni Jove ni anino ni Serron. Nag-aalala na siya sa kanyang mag-ama. Hindi siya nakatiis, hinanap na rin niya si Serron sa mga kasama nito. “Hindi pa ba kayo nagkikita?” tanong sa kanya ni Erron, nang sadyain niya ito sa resort nito. “Hindi pa,” tuogn niya. “Ang sabi ni Jegs, pumunta ng Spain si Serron para hanapin si Jero.” “Baka nandoon pa rin.” “Hindi pa ba nakikita si Jero?” nababahalang tanong niya. Bumuntong-hininga si Erron. “Masyado akong busy kaya hindi ako updated sa paghahanap nila. Marami naman sila ang naghahanap,” sabi lang nito. Parang wala itong pakialam sa nangyayari. Kung tutuusin, pamangkin nito si Jero. “Pasensiya na sa abala.” Ngumiti lamang si Erron. Pagkuwa’y umalis na lamang siya. Pagbalik niya sa kanya