Chapter Seventeen

2385 Words

PAULIT-ULIT na tinatawagan ni Jove si Serron pero hindi ito sumasagot. Ilang oras na rin siyang paikot-ikot sa buong Makati. Hindi na humupa ang kaba niya sa isiping nabatid na ni Jero ang katotohanan kaya ito naglayas. Dumating na ang kinakatakutan niya. Hindi siya nakatiis, nag-report na siya sa pulis. Makalipas ang tatlong araw na hindi pa rin niya nakikita si Jero ay nagpasya siyang umuwi ng Cebu upang makausap si Serron, ngunit naging mailap din ito sa kanya. Hindi na rin daw ito naglalagi sa Harley’s resort, o maging sa resort niya. “Anong sabi mo, nawawala si Jero?” bulalas ni Riegen nang maabutan niya ito sa kanyang resort. “Tatlong araw ko na siyang hinahanap. Paggising ko wala na siya sa tabi ko,” aniya. “Alam na ba ito ni Serron?” “Hindi ko nga siya ma-contact.” Nababalisa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD