“GUSTO kong bumawi, Jove. Gusto kong mabuo ang pamilya natin.” Huminto sa paghakbang si Jove. Marahas na hinarap niya si Serron. Ano naman ang drama nito? “Not me, Serron. Kailangan ni Jero ang tunay niyang ina,” aniya. Malalaki ang hakbang na lumapit sa kanya si Serron. “Hindi mo ba ako naintindihan, Jove? Buong magdamag kong pinag-isipan ‘to. At tama ka, hindi si Joli ang ina ni Jero. Pero sigurado na ako kung sino ang babaeng nakasama ko noong gabing iyon sa isang gubat malapit sa sementeryo. Nang gabing iyon, kabilugan ng buwan at hindi ko nakontrol ang pagiging bampira ko,” seryosong pahayag nito. Nanlaki ang mga mata niya. “Sa memorial cemetery sa Talisay?” manghang untag niya. “Oo. Doon ko dinala ang babaeng lasing na inakala kong si Joli. Noong time na ‘yon, hinahanap ko si Jo