Chapter Fourteen

2294 Words

“NAKABALIK na sa Spain ang pamilya ni Lera Contero,” wika ng investigator na pinagkatiwalaan ni Jove sa paghahanap kay Lera. Tinungo pa niya ito sa opisina ng mga ito sa Lapu-lapu. “Sa Spain na ba sila nakatira?” usisa niya. “Spanish national ang asawa niya, at nagbakasyon lamang sila rito sa Pilipinas dahil namatay ang tatay ni Lera.” “Ilan ang anak nila?” “Isang lalaki at babae ang bunso.” Iyon na marahil ang batang kasama noon ni Lera, noong nagkita sila. “Wala ba siyang adopted child?” “Wala namang nakarehistro na ibang bata na nakapangalan sa kanya.” “Pero ang alam ko may adopted child siya. Lalaki rin, mga eight years old na ngayon,” giit niya. “Susubukan kong alamin ang records niya noong dalaga pa siya. Baka nakapangalan sa pagkadalaga niya ang adopted child na sinasabi mo,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD