“HINDI mo ako basta matatakasan, Joli. Hindi katanggap-tanggap sa akin ang mga sinabi mo,” nanggagalaiting wika ni Harvey. Nangangatal ang katawan ni Jove habang umaatras siya paiwas dito. Nagpalit na ito ng anyo. Isang mabalasik na itong bampira na anumang oras ay handa siyang sakmalin. “T-totoo ang mga sinabi ko,” nanginginig na sabi niya. “Kanino ka naman nagpakasal? Sa walang kuwentang si Serron? Sinaktan niya ang damdamin mo, Joli. Ikaw na ang may sabi na kinamumuhian mo siya. Tapos ngayon, siya pa rin? Masyado mo naman ata akong iniinsulto. Mas mainam siguro kung gagawin na lang kitang pagkain kaysa pakinabangan ka ng iba, ano?” Naipikit niya ang kanyang mga mata nang akmang susugurin siya nito, ngunit nagulat siya nang hindi ito nakalapit sa kanya. Nang magmulat siya ng mga mata