Nicolette Celestial “Teka nga!” pagpupumiglas ko ng makalabas kami ng restaurant dalawa. “Bakit ba hatak ka ng hatak?” naiinis kong tanong sa kanya. Hinimas-himas ko pa ang wrist ko na madiin niyang hawak-hawak kanina. “Let’s go home! Ihahatid na kita!” ma-awtoridad niyang utos. Hihilahin sana muli ang aking kamay pero umatras ako palayo sa kanya. “Kung gusto mo umuwi, umuwi ka! Nasa loob pa ang kasama ko!” Hindi ko pwedeng iwan si Emman ng basta-basta dahil lang gusto niya ng umalis. ‘At bakit bigla-bigla na lang niya gusto umalis?’ tanong sa aking sarili. “Babalik na ako sa loob!” Tatalikuran ko na siya ng bigla na lang akong buhatin. “Nike!” usal ko sa kanyang pangalan dahil sa pagkabigla. “My god ang daming nakakakita! Ibaba mo na ako!” Pilit kong kinokontrol ang aking boses para hi