Pag-uwi ng bahay nakita ko ang ilang gamit ni Yaya Mel sa sala. Agad niya akong sinalubong na halatang aligaga at kinakabahan. “Ma’am, ilang araw na umuwi sa probinsya. Nasa hospital po ang aking tatay. Nagpaalam na po ako kay Sir Emman. Mamaya po ay may ipapadala siyang kapalit ko na magbabantay kay Nicolo habang wala po ako.” Kinuha ko ang aking wallet sa bag. Agad kong inabot ang pera at binigay iyon sa kanya. “Kunin niyo na po ang sahod niyo para kahit papaano ay may pang gastos kayo. Kung sakaling kulangin, huwag kayong magdalawang isip na tawagan ako para matulungan kayo.” Niyakap ko si Yaya Mel bago tuluyang magpaalam na umalis. “Salamat, Ma’am! Salamat po talaga.” ‘Mag-ingat po kayo!” paalala ko. Nakaupo si Nicolo sa sofa na halatang malungkot ang mukha. “Kumain ka na ba?” ta