Nike Trinidad Nakaupo sa sofa habang kinukuyakoy ang paa. Nakahawak ang kamay sa aking baba habang hinihimas iyon. Nakaharap ako ngayon kay Nicolette na tahimik nakaupo sa katapat kong inuupuan. Hinuhuli ko ang kanyang mata ngunit iniiwas niya. “What is the real score between you and Toby Borbajo?” Una na tanong na sumagi sa isip ko dahil iyon naman talaga ang ugat ng lahat kanina. Huminga siya ng malalim at tumindig. Kung kanina ay iwas na iwas ang mga mata. Siya na ang nagkusa na makipag eye to eye contact. “Gusto ko muna i-clarify sayo ang isang bagay!” Napalunok siya. “Walang namagitan sa aming dalawa ni Toby. Kilala ko siya sa pangalan at sa mukha pero hindi kami nagkaroon ng intimate affair na iniisip mo.” Pagliliwanag niya. Para niyang nabasa ang iniisip ko dahil iyon naman ta