Nicolette Celestial Ilang beses akong napalunok ng makilala ang boses ng lalaking kasama ni Scout. Sandali akong na estatwa sa aking kinatatayuan. Mabuti na lang at medyo nakaharang ang katawan ni Nike kaya natakpan ako. Napapikit ako at nag-iisip ng mga salita na pwede sabihin sa kanya. ‘Bakit ngayon pa kung kailan hindi ako handa,’ kausap sa aking sarili. Kinalma ko ang aking isip at inayos ang sarili. Pilit na ngumiti upang pakiharapan siya ng maayos. Nagulantang ang kanyang mukha ng makita ako. ‘Ni hindi nga niyang nagawang kumurap habang pinapakatitigan ako. Kinakausap siya ni Nike pero parang wala siyang naririnig dahil hindi man lang sumasagot. Pati ang pakikipag kamay ni Nike ay hindi rin niya natugunan dahil nasa akin ang kanyang atensyon. Nilagpasan niya si Nike at lumapit sa