“NGAYON, ipaliwanag mo sa akin isa-isa ang ibig sabihin ng mga pictures ko na ‘to,” naghahamong wika niya sa asawa. Nasa studio sila nito at parehong nakaupo sa sofa. Pinababa niya ang lahat ng mga naka-display na pictures niya at inuusisang maigi kay Cayel ang tungkol sa mga ‘yon. Katulad ng pinakaunang litrato niya na kinuhanan nito noong siya ay high school. “So paano ka nakapasok noon sa MLMHS?” tukoy niya sa dating eskwelahan. “Simple lang. Nagpaalam ako sa Administrator ng school na kukuha ng mga pictures. At dahil kilala niya ang Lolo, pinayagan niya ‘ko. Tapos kuha lang ako nang kuha, hanggang sa makita kita na nag-iisang nakaupo sa isa sa mga benches at nakatingin sa papalubog na araw. Bakit nga pala nandun ka pa?” usisa nito. “May project kaming ginagawa kasama ng mga officer
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books