ISANG disappointed na tingin ang ipinukol ni Cayel kay Darrina. Nakulot ang isang sulok ng mga labi nito. “That’s the reason why I kept it from you. Iisipin mo kasing stalker mo’ko.” “So, ano? Kung hindi stalker, ano? Isang sira-ulong walang magawa sa buhay, ganun?” Nababagot itong humugot ng hangin saka tumingin sa hawak niya. “Darri, matalino ka. Ano pa bang pwedeng maging ibig sabihin niyan?” “Ano nga kasi, Cayel? Linawin mo naman!” “Matagal na akong may gusto sa’yo, Darri. Sixteen years old ka pa lang, ikaw na ang babaeng pangarap ko. Malinaw na ba ‘yan sa’yo?” “E, bakit hindi mo sinabi kaagad?” iyak niya. Pero ang totoo’y tila lumulubo sa sobrang tuwa ang puso niya. Napailing si Cayel at mukhang napikon. “I was telling you that. Ikaw ‘tong hindi naniwala at sinoplak agad ako.”