MATAPOS magpaalam kay Nanay Selya ay lumakad na sina Darrina at Cayel papunta sa kanila. Naghihintay nga ang kapatid niyang si Darrius na nakasuot na ng basketball jersey nito. “Nagsama ka talaga ng muse, ha, Kuya?” tudyo nito kaya sinimangutan niya. Ang bunso nilang si Darwin ay natatawa lang sa isang gilid ng terrace, pero basa niya sa mukha nito na gustong-gusto nito ulit makapaglaro ng basketball. “Wala bang pustahan para sa mananalo?” mayabang na tanong ni Cayel sa kapatid niya. “Walang problema, Kuya! Kapag natalo kita, dito kayo matutulog sa bahay ni Ate Darri. Pero kapag ako ang natalo mo, kahit ano pwede mong ipagawa sa’kin.” Nilingon siya ni Cayel. May naglalarong ngiti sa mga labi niya. “Kapag natalo kita, kahit anong ipagawa ko gagawin mo?” tanong nito kay Darrius na tin