“TEKA lang!” pigil ni Darrina kay Cayel at hinawakan ito sa braso. "May problema ka ba? Bakit parang galit ka?” He narrowed his eyes. “Halata ba? Mabuti pa ang galit ko napapansin mo.” Natigilan siya sandali, pero hindi na pinansin pa ang huling sinabi nito. “Oo, Cayel Rodriguez, halatang-halata ka. Bakit ba? Dahil hindi ko natanggihan ‘yung binibigay ni Colin sa akin na wood carve?” “Bakit nga ba hindi mo tinanggihan? Nagwapuhan ka siguro sa kaniya?” Tumaas ang mga kilay niya. “FYI, hindi ang kagwapuhan ni Colin ang dahilan kung bakit hindi ako tumanggi sa wood carve.” “At nakaka-appreciate ka na pala ngayon ng ibang lalake?” nang-uuyam na ang tono nito. Halos gumulong naman ang mga mata ni Darrina sa reaksiyon ng asawa. “Holiness, Cayel! Ano ba talaga ang issue mo? ‘Yung wood car