PAGBALIK niya sa party ay agad niyang hinanap si Cayel. Pero sinalubong siya ni Pony na medyo hindi maipinta ang mukha. “Ano’ng nangyari? Inaway ka ba ni Clyde? Pinagsalitaan nang masasakit? Ang kapal ng mukha ng lalaking ‘yan! Wala siyang karapatang laiitin ka! Gusto mo sugurin ko?” Umarko ang mga kilay niya at maiksing natawa. “Loka ka! Hindi, Pony! Walang laitan na nangyari. K-kinausap lang ako ni Clyde.” Natahimik ito sandali bago tuluyang kumalma ang hitsura. “Sigurado ka? Baka pinagtatakpan mo lang ang kapatid ni Cayel, ha? Alam mo kasi, wala akong tiwala sa ganiyang mukha.” “Wala kang tiwala, pero crush mo naman!” “Hindi na ngayon. Malayong-malayo siya kay Cayel. Wala man lang sincerity sa boses niya. Para bang may halimaw na nagtatago sa likod ng gwapo niyang mukha.” “Nasa’n