PAGMULAT ni Darrina ay pumapasok na ang liwanag sa bintana ng silid. Natagpuan niya ang sarili sa kama at ang unang naisip ay si Cayel. Nilingon niya ang tabi at nakitang nag-iisa siya sa kama. Napabangon siya. Umaga na. Nasaan na ito? Nakatulugan niya ang paghihintay? Ang naaalala niya ay sumandal lang siya sandali para mapawi ang p*******t ng likod ngunit hindi niya alam na nakatulog na pala siya. Pero paano siya nakarating sa kama? Inalis niya ang kumot at tuluyang bumangon. Nadaanan ng tingin niya ang nakasaradong laptop sa coffe table. Sigurado siyang si Cayel ang bumuhat sa kaniya mula sa sofa. Tinungo niya ang pinto ng banyo at kumatok. Hinintay niyang may magsalita pero walang tinig mula sa loob. Binuksan niya iyon at hinanap si Cayel. Pero bigo siyang makita doon ang asawa.