KUNG nabubuhay talaga si Elsa ng Frozen at nalahian nito ang taong si Darrina, siguradong papalpak ang icy powers niya sa higpit at init ng mga yakap ni Cayel. Inihalintulad pa man din niya ang sarili sa bato, pero wari naman niya’y unti-unti siyang nadudurog sa ilalim ng mga braso nito. “Okay, good! Harap naman kayo ngayon sa isa’t isa,” utos ng photographer na si Ronald sa kanila. Bantulot siyang sumunod pero inalalayan siya ng kayakap. Nakapulupot ang matitipunong braso nito sa katawan niya. “Guys, look at each other’s eyes!” mando nito habang sinisipat sila ng camera. Itinuon niya ang mga mata kay Cayel at pinilit na gawin ‘yong normal. ‘Yung hindi halatadong naaapektuhan siya ng mga paghawak-hawak nito. “One, two, that’s it! Very good!” Ramdam niya ang mga ngiti ni Cayel. Sama