Chapter 106

1715 Words

MATINDING pagkauhaw ang naramdaman ni Hedvig nang magising siya. Pero imbes na bigyan siya ng tubig ay may itinurok sa kaniya ang isang lalaking nakaputi. Pinatid niyon ang kaniyang pagkauhaw at pinalakas ang panghihina ng kaniyang katawan. Nang maramdaman niyang may sapat na siyang lakas ay maliksing tumalon si Hedvig mula sa stretcher. Inilibot niya ang kaniyang paningin. Nasa banyagang lugar siya na noon lang niya nakita. Kahit ang lalaking nakaputi na tumurok sa kaniya ay hindi rin kilala ni Hedvig. Subalit ramdam niyang wala itong balak na saktan siya. Habang umiikot ang kaniyang mga mata sa apat na sulok ng kuwartong iyon na may iba't ibang kagamitan ay may isang imahe na gustong-gusto makita si Hedvig. "Angela..." parang wala sa sarili na sambit ni Hedvig sa pangalan ng asawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD