AYON kay Hedvig, ilang milya pa raw ang layo ng mga bampira. At ganoon din naman ang naramdaman ni Angela. Hindi kasingtalas ng kay Hedvig ang pakiramdam niya. Pero matagal na niyang nakasama ang mga Vampires. Kabisado na niya ang amoy at enerhiya ng mga ito. Sagitsit lang ng mga ito ay alam na niya. Kaagad na binalutan ni Angela ng protection spell ang buong paligid ng cabin. Hindi iyon kayang sirain ng mga normal na Vampires lang. Magagawa ni Lazarus pero siguradong mahihirapan ito. Sa kaniya pa lang ay mapapalaban na ang mga bampira. At batid din ng mga ito na kasama niya si Hedvig. Pero bakit sumugod pa rin ang mga ito? "Gusto kang kunin ni Lazarus, hindi lang para protektahan ang mga portal, kundi para labanan ang mga Werewolves," sabi ni Hedvig na para bang nababasa ang laman ng