"PASENSIYA ka na kung bigla na lang kitang iniwanan." Hindi pa man umiinit ang mga paa niya sa cabin ay sinalubong na kaagad siya ni Hedvig. Hindi na ito mukhang galit pero seryoso pa rin ang mukha. Ramdam ni Angela na may mabigat itong iniisip. "Sorry din kung nasigawan kita kanina," dagdag pa ni Hedvig. Unti-unti nang lumambot ang anyo nito. "Sumpa lang talaga sa'ming mga Black Kampflen ang masaktan kapag naririnig namin ang pangalan ng Tagapaglikha. At ang mapaso kapag nakahawak ng anumang holy thing. Kahit ang pagdadasal ay kaya rin kaming saktan." He chukled. "So you see? Ang Creator n'yo na mismo ang ayaw na magpakabait kami. Wala na kaming magagawa roon. He cursed us to be like this." Hindi lihim kay Angela ang ganoong katotohanan. Alam din niya na kahit ang mga White Kampflen ay