Chapter 111

1812 Words

NANG dahil sa pagdagsa ng mga kakampi nina Hedvig kaya lalong lumakas ang loob nila para labanan ang grupo ni Cassius. At kahit inayawan man niya noong una ang presensiya nina Lazarus, aminado si Hedvig na nakatulong ang mga ito nang malaki para sa pagpaplano nila. Nang dahil kina Lazarus kaya nalaman nila ang pasikot-sikot at mga sikretong taguan sa Nimryy. Pati na rin ang mga uri ng bala na ginagamit ng mga Vampires para sa mga kalaban. Maging ang eksaktong oras kung kailan at hindi sila puwedeng sumugod. "Paano kung makaharap ninyo ang mga katulad ninyong bampira? Handa ba kayong patayin sila?" naningurong tanong ni Hedvig kay Lazarus. "Ibang-iba na ang panahon namin ngayon kaysa noong si Ykko Dimitri pa ang hari namin. Hindi siya pumapatay nang walang malalim na dahilan." Napatiim-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD