MAGANDA ang sikat ng araw nang magising si Angela kinabukasan. Wala na si Hedvig sa tabi niya pero may bulalak na nakapatong sa unan. That was a true forget-me-not flower, and her new favorite one. Isa iyong uri ng wildflower na sikat tuwing Midsummer Celebration sa Finland. Nakangiting dinampot ni Angela ang forget-me-not flower at dinala sa mga labi niya. Simula nang ikasal sila ni Hedvig ay naging paborito na niya iyon. Faithfulness at true love kasi ang sinisimbolo niyon. Katulad nang nararamdaman nila para sa isa't isa. Pagkatapos magligpit nang pinaghigaan ay lumabas na ng kuwarto si Angela. Malamang ay nasa lake na si Hedvig at nangingisda na kasama ang mga kaibigan. Hindi na rin pinroblema ni Angela ang kaniyang agahan. Dahil pagtingin niya sa lamesa ay may nakahain ng pagkain.