Kumunot ang kanyang noo nang hindi makita ang asawa kung saan niya ito iniwan kanina. Kaya naman agad na siyang nagpaalam sa mga kausap para hanapin sa crowded na lugar si Tamara. "Tamara," bulong niya sa pangalan ng asawa. Kumakabog ang kanyang dibdib at nakaramdam ng takot habang walang tigil sa pag ikot ang kanyang mga mata sa paligid pero hindi niya makita ang asawa. "Damn it!" Mura niya. Kung bakit kasi naging kampante siya at hindi binantayan ng maayos ang kanyang asawa. Alam naman niyang teritoryo ito ni Pauline. May duda na nga siyang magkasabwat sina Pauline at Joseph. Malakas ang kutob niyang si Pauline ang nagpalaya kay Joseph para gawan ng masama ang kanyang asawa. Wala nga lang siyang makitang ebidensya dahil malinis na malinis ang pagkakatrabaho ni Pauline sa lahat. Maka

