"Joseph bitawan mo ko, nasasaktan ako!" Hiyaw niya habang patuloy ang pagkaladkad nito sa kanya patungo sa parteng wala ng tao at wala pang halos ilaw. Nakita niyang nakasunod si Pauline sa kanila. Walang duda na magkasabwat ang dalawa, tiyak na si Pauline ang nagpalaya kay Joseph para gantihan siya at saktan. "Tumigil ka ngang babae ka! Huwag kang umasa na maililigtas ka ng asawa mo ngayon! Busy iyon hindi basta-basta makakaalis! Tiyak na tapos na si Pauline sa iyo pag namalayan niyang nawawala ka!" Galit na saad ni Joseph sa kanya. Sinubukan naman niyang manlaban rito iyon nga lang isang malakas at nakakahilong sampal ang tinanggap niya sa malaking kamay nito. "Buti nga sa iyo! Bakit kasi hindi ka na lang sumama ng maayos!" Narinig niyang sabi ni Pauline na nakasunod sa likod nila. M

