Mabilis na lumipas ang mga araw, patuloy pa rin siya sa trabaho. Ang usapan kasi nila ni Elijah titigil lang siya sa pagta-trabaho pag nabuntis na siya. May mga security naman siyang kasa-kasama sa VincElla Hotel kaya hindi siya malalapitan ni Joseph. Wala pa nga siyang balita kung nasaan na si Joseph ngayon. Kung saan ito nagtatago. Wala rin kasing idea ang mga magulang niya kung nasaan si Joseph. Nagulat pa nga ang Mommy at Daddy niya nang sabihin sa mga ito na nakalaya na si Joseph. Hindi pa daw kasi nagpapakita si Joseph sa mga magulang nila. Natitiyak niyang may masamang balak si Joseph kaya hindi pa ito nagpapakita man lang sa Daddy nito at siya ang target nito talaga. Kaya naman kahit nakakailang ang mga security na nakabuntot sa kanya eh ok lang, kesa naman sa magawan siya ng masam

