"You need to stay home, Tamara," seryosong sabi niya sa asawa nang kausapin ito sa penthouse. Hindi safe sa asawa ang pag stay nito sa hotel, tiyak na babalik at babalik pa si Joseph sa hotel niya para makakuha ng tyempo at saktan ang asawa. Mauulit at mauulit pa rin ang nangyari kanina. Masyadong mabilis si Joseph at sa dami ng kanyang security hindi pa rin ito nahuli. Nagawa pa rin nitong matakasan ang maraming humahabol rito. Kaya dapat lang na sa bahay na muna si Tamara para sa safety nito. Hindi titigil ang demonyong iyon hangga't hindi nito nasasaktan si Tamara. Malaki ang galit ni Joseph kay Tamara kahit noon pa man, dahil mas malapit ang loob ng ama ni Joseph kay Tamara, dahil mas nakikita ng ama ni Joseph ang galing ni Tamara at hindi ito naghahatid ng sakit ng ulo sa pamilya, k