"This is for your own good, Tamara," tugon sa kanya ni Elijah nang galit niya itong tanungin tungkol sa mga security na sunod ng sunod sa kanya habang nasa trabaho siya. Naiilang siya at pakiramdam niya lagi siyang nasa panganib. "Nakita na ni Joseph na muntik na siyang mahuli kanina. Panigurado na hindi iyon babalik pa rito at mag-iisip ng ibang paraan para makalapit sa akin! Hindi na maglalakas loob si Joseph na pumasok pa rito sa VincElla Hotel kung saan kalat na kalat na ang security mo!" Mahabang litanya niya sa asawa. Hindi niya gustong may security siya, baka kung ano pa ang isipin ng Papa ni Elijah pag nalaman nitong may personal bodyguard pa siya habang nasa trabaho. Nagpapabango nga siya kay Mr. Dela Merced, pero pag ganito tiyak na lalo lang maiinis sa kanya ang Papa ni Elijah