Chapter-29

1504 Words

Nanginig ang buong katawan niya sa takot nang makitang tumatakbo ang Kuya Joseph niya at si Missy patungo sa kanya. Hindi na nga niya nagawang maitago ang mahabang buhok niya sa cap na suot sa pagmamadali. Hindi siya pwedeng maabutan ng dalawa. "Oh damn it!" Mura niya sa sarili habang pilit pa rin tumatakbo kahit nanginginig na ang kanyang mga paa sa takot. Hindi sana mangyayari ito kung hindi siya lumabas ng penthouse para hanapin si Elijah. Hindi naman kasi siya lalabas kung sinagot man lang sana ni Elijah ang tawag niya, pero paano nga naman masasagot ng lalaking iyon ang tawag niya eh busy ito sa ka date nitong si Pauline na hindi naman daw nito girlfriend. Takot na takot na nga siya at hindi malaman kung paano matatakasan ang kapatid, ang paninisi pa niya kay Elijah ang iniisip niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD