Chapter-28

1507 Words

"Eh nasaan ka ba talaga Tamara? Nag-aalala na rin ang Daddy mo sa iyo, dalawang araw ka ng hindi umuuwi ng bahay. Ano ba talaga ang nangyayari sa iyo anak?" Puno ng pag-aalala ang tinig ng Mommy niya nang tawagan ito para kumustahin ito at para sabihin na ok lang siya. Nais kasi niyang huwag ng mag-alala pa ang mga ito sa kanya, lalo na't ok naman talaga siya, maayos naman ang kanyang kalagayan sa penthouse ni Elijah. Mas safe siya dito kesa sa bahay nila. Wala naman kasing idea ang Mommy at Daddy niya sa mga ginagawang kademonyuan ng Kuya Joseph niya sa kanya. Kung sakali naman na malalaman ng mga magulang niya ang ginawa sa kanya ni Joseph eh baka ang masayang pagsasama ng mag asawa naman ang masira. Isa sa dahilan niya kung bakit mas nais niyang matahimik na lang at huwag ng isumbong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD