"So kayo na talaga? Siya na talaga ang the one mo?" Tanong sa kanya ni Benjie nang bigla nalang itong sumulpot sa opisina niya. Madalas naman niyang nakaka-usap si Benjie at wala naman silang ibang pinag-uusapan nito kundi si Tamara at kung ano na ang nangyayari kay Joseph. Isa si Benjie ang dahilan kung bakit updated siya sa mga nangyayari kay Joseph. Magkaibigan pa rin naman kasi sina Joseph at Benjie kaya nagkakausap pa ang dalawa. Siya lang naman ang tinapos na ang pagkakaibigan kay Joseph dahil sa ginawa nito kay Tamara. "Sira ka talaga. Kung inggit ka humanap ka ng sa iyo," biro niya sa kaibigan. "Naku! Naku! Pass ako diyan, ayoko ng sakit ng ulo. Masarap kaya ang malaya. Any flavor pwede tikman," sabi naman nito. "Ganyan din ako before, pero nung nakilala ko na si Tamara nag ib