"Nakakahiya ang nangyari kanina sa office mo," malungkot niyang sabi kay Elijah gabing sabay silang kumakain ng dinner. Tuwing gabi umuuwi na ang mga kasambahay, kaya madalas siya ang nagluluto ng dinner nila ng asawa, isa sa bagay na gustong-gusto niyang ginagawa para sa asawa, ang mapaglutuan ito at mapagsilbihan sa kusina, bukod sa duty niya sa kama. "It's ok hindi naman alam ni Papa kung ano ang ginagawa natin," tugon ng asawa sa kanya habang magana iyong kumain sa niluto niyang tinolang manok. Masaya pag nakikitang magana ang asawa sa pagkaing inihahanda niya para rito. Ramdam niyang hindi siya nagkukulang sa pagaasikaso sa asawa. "Ano palang pinag-usapan niyo?" Usisa niya sa asawa. "May iniabot siyang invitation card,' tugon nito at napansin ang paghinto sa pagkain ng asawa. "Pa