Malalim na ang gabi ng magising siya sa tunog ng cellphone sa may side table. Gumalaw siya mula sa pagkakahiga at sinulyapan ang asawang nasa tabi, gumalaw din ito mukhang naistorbo din ang tulog nito sa ingay ng cellphone na ring ng ring. Bumangon siya at kinapa ang cellphone sa side table, kalahati pa nga lang ng mga mata niya ang nakabukas peo nabasa niya ang pangalan ni Benjie sa screen. Napamura naman siya nang makita ang oras sa screen ng cellphone niya, alas kwatro palang ng madaling araw pero tumatawag na ang kaibigan sa kanya. "Sino iyan?' Inaantok na tanong ng asawa sa kanya na tuluyan na ring nagising. Bumangon na nga rin ito at binuksan ang lampshade na nasa side table nito. Kumalat ang katamatamang liwanag sa buong silid. "Si Benjie, I don't know kung bakit ito nambubulabog