Makalipas ang tatlong araw nakaalis na sila ni Elijah patungong New York na wala ni isang nakakaalam sa kanilang pag-alis. Hindi niya nagawang sabihin sa Mommy niya dahil na rin sa utos ni Elijah. Hindi rin niya nasabi sa kaibigan na si Klea ang pag-alis niya. Tiyak na magtatampo ito sa kanya. Pero si Klea ang unang tatawagin niya pag ok na ang lahat sa kanila ni Elijah. Mabuti na ngablang at naayos agad ni Elijah ang kanilang mga papeles at agad na rin silang nakaalis. Wala ni isa sa mga tutol sa kanila ang nakaharap pa nilang muli hanggang sa makaalis sila ni Elijah. Pagdating sa New York sa bahay ni Elijah sila agad tumuloy. Hindi na siya nagtaka pa kung may malaking bahay ito sa New York. May sarili naman ng pera ito, dahil may sarili na itong negosyo. Dalawang palapag ang modernong